Saturday, January 22, 2011

BAWAT BAGAY AY MAY DAHILAN

Every single matter exists for a reason. Even the smallest ant live with a purpose and those green plants know the essence of their existence. You are greater than the ant and colorful than those plants. You have the greater purpose, a reason to live and duty of existence. Have you ask your hands why they look like that? Have you ask your eyes why they are reading this? Have you ask your mind why it keeps asking you? Because there is a reason. Bawat bagay ay may kahulugan, bawat tanong ay may sagot at walang nabuhay sa walang dahilan. Musmos pa lang ako ay marami nang tanong sa aking isipan, kaya nabuo ang awiting "Bakit Ganito?" (see My Songs page). Naghahanap ng mga kasagutan sa malawak kong mundo. Kung minsan nagtatanong na lang sa sarili ko at sumasagot din ang sarili ko, sapagkat wala namang sumasagot sa mga katanungan ko. Gayon pa man hindi ako naligaw sa sarili kong pananaw na sa ‘di kalaunan ay akin ding nauunawaan. Masarap maging musmos sa katayuan maraming kahanga-hangang bagay sa mata at kaisipan. Higit kung maging inosente ang isipan, na hindi nalalaman anomang kasamaan at tanging kabutihan lamang. Narito, ang taon ay dumaraan sa akin at nakikita ang pag-unlad ng mundo at pinaggalingan nito; kaya bawat bagay na nangyayari o mangyayari ay may dahilan sapagkat tayo ay hindi basta nabuhay para sa wala lang. Sa kabila ng nalikha tayo sa paggawa ng kabutihan at sumunod sa kautusan ay pumuri ng walang hanggan. Hindi baga tinadhana na ng kapalaran ang mabasa mo ang aking liham, upang sa karunungan ng Maykapal ay maalaman mo ang Kaniyang kadakilaan. Oo, tinakdang mabasa mo ito dahil may dahilan ang bawat paggawa. Narito, natututo ka sa karunungan kaniyang ginawa upang iyong maunawa ang dahilan ng iyong pagkalikha. Ikaw, nalalaman mo ba ang dahilan mo sa mundo? O patuloy mo pa ring hinahanap sa mundo. Ipagpatuloy mo ang pagbasa upang maalaman mo. Kay palad nga ng tao at siya ay nalikha sa wangis ng lumikha, Kung ikaw ay nagtataka magtiwala ka. Tao ka, wangis ka Niya. Kung anong mayroon ka, mayroon Siya; higit pa. Kaya’t huwag kang maniwala na sa unggoy ka nagmula na gayon kababa ang ating diwa. Ang karunungang ay kaloob sa iyo mula pa nang pagkabata upang hindi ka matulad sa ibang hayop na nilikha; na laman ang gamit sa paggawa. Tao ang katunayan ng Dios, oo, ikaw ang katunayan Niya; hanggat nariyan ang tao may katunayan Siya sapagkat nabubuhay ka dahil sa Kaniya. Hindi ka ba nagtataka na ganiyan ang iyong itsura? Dahil gayon ang mainam para sa iyo. Sa anong kadahilanang nailagay sa mukha ang mata? Hindi ba para Makita mo ang paligid mo ng mainam at hindi ka madapa. Pag-isipan mo at wala nang mas mabuting kalalagyan ito. Kung ilagay sa kamay ay matutusok ng daliri ang mata, kung sa batok paano ka maglalakad ng patalikod? Kung sa tiyan paano makikita ang ibabaw? Naiisip na ng Dios iyan bago mo pa maisip ang bagay na iyan. At kung bakit walang mata sa likuran natin ay dahil sa tainga, pinupunan ng tainga ang kakulangan ng mata at gayon ang dahilan ng tainga; ang madinig ang hindi nakikita ng mata. Gayon kalalim ang dahilan ng kinalalagyan ng mata. Hindi baga’t bahagi mo lang ang mata? Kaya’t higit na may dahilan ka sa mata. Pag-isipan mo, nalikha ang mata para pag-ingatan ka, ganyan kabuti ang kanyang dahilan, pag-ingatan ang may mas malalim pang dahilan; ikaw. Ikaw na tao, ano ang iingatan mo? Anong mabuting gawa ang gagawin mo? Hindi baga ito ang tunkulin mo? Ang dahilan mo sa mundo ay maging mabuting tao… 
 Katulad na lamang ng mga kakatuwang bagay na nakapaloob sa kapalaran na sya lamang ang nakakalam. hindi baga't nakakatuwang bagay na may kakilala kang John Paul sa lahat ng iyong puntahan. Mula pa ng ako ay bata hanggang ngayon ay nakakakilala pa nga. John Paul ang pinsan kong malapit sa puso ko at John Paul din ang kaibigang mahal ko. Kakatuwa diba, Peter ang kakulitan at nangangasar sa akin nang panahon ng aking kabataan, at Peter din ang espesyal kong kaibigan. Ganon ba talaga, kaibigan ni Karlo si Carlo at ang anak ng kaibigan ng nanay ko ay kaibigan ko. Hindi baga nakakatuwa na walang araw o linggo na lumilipas na hindi ko naririnig o nakikita ang pangalang Peter. Sadya o tinadhana na ang malalapit kong kaibigan sa aking puso ay ka-araw ko sa kaarawan; kung lunes siya, lunes din ako at hindi yaon magbabago. Ang mga taong malalapit sa akin ay may kapalit parin; kung may Abegail ako non may Abigail ako ngayon at kung may Leslie ako noon ay may Leslie ako ngayon. Maging ang mga pangalan sa aking isipan nagiging aking mga kaibigan; nakaisip ako ng pangalang Bryan Ryan Ian at ngayon ay may kaibigang Ryan Bryan pero Karl. Kahit yaong pangalang Abcdef na naglaro sa isipan, ngayon ay may tunay na Abcdee na walang f ang naging kaibigan. Magaabang na lamang ako sa mga katuparan pa ng ibang pangalan sa isipan ko. 
 Tadhana o Sadya? kung tadhana ang nagtakda may malalim na dahilan, kung gawa mo ang iyong kapalaran bakit may nangyayaring hindi mo alam at wala sa iyong inaasahan. Tinakda ang lahat kaya may dahilan, mayroon lamang pagpipilian. Nahahanda na ang pagpipilian sa isang tanong ngunit nasa iyo kung ano ang pipiliin mo; gayon pa man may tama at maling sagot. Tulad ng isang takbo, lumiko ka man, kumaliwa o kumanan nasa iyo ang desisyon. Ngunit iisa ang ang naktakda sa iyo, ang maabot ang dulo. Nasa iyo kung nasa mong manalo o matalo. May dahilan ang Dios sa lahat ng bagay at may dahilan din sa iyo na ibinigay... abangan

No comments:

Post a Comment