Sunday, July 18, 2010

PATAWAD SA INYO MGA KAIBIGAN

Parang isang araw lang nang tayo ay magkasama-sama. Parang kahapon lang, kayo ay nakita. Ngunit kay haba na pala ng araw na lumipas at sa mga nagaganap, ako nga ay hindi nagagalak.
Sa pagkalungkot ng mga kaibigan, ako rin ay umiiyak; sa pagkatisod ng mga kaibigan, ako rin ay nasusugat. Kaya ngayon aking naaalamang, mayroong mga natukso sa kamalian, lubos ang aking kalungkutan.
Sa panahong lumipas, itinuon sa pagsulat at kayo sa akin ay nawalan ng alat. Patawad sa mga panahong hindi ko kayo nabati, nadamayan at natulungan. Hindi man dapat, ang sisi sa akin ko nilalagak. Sapagkat hindi nagawa ang pananagutan bilang isang kaibigan.
Patawad sa pagkukulang, patawad sa kahinaan at patawad sa lahat ng aking kamalian. Pilit ko man gawin ang lahat, ako ay hindi nagiging sapat. Ngunit hayaan ninyo, ako ay magsisikap upang aking maganap ang tungkulin ng isang kaibigang tapat. Huwag ninyo lang sanang ipagtabuyan o kalimutan ang lahat.
Kayo ay aking mga kaibigan, sana ako rin ay inyo ring kaibigan