Monday, June 1, 2020

Never Fall In Love: Wholeheartedly


"Alam kong maganda ako pero bakit ako single? hindi ako crush ng crush ko"

HINDI AKO CRUSH NG CRUSH KO

"Ako si Lora, isang business admin student ng Aurora College. Bakit business admin dahil yun ang gusto ng daddy ko. Hindi daw nakakapagod at para maging katulad niyang businessman. Infairness, hindi nga nakakapagod pero nakakaloka sa dami ng math subjects."

Nag-aayos ng kaniyang sarili si Lora para sa muling pagsimula ng kanilang klase. 

Lora's point of view

"Lahat naman tayo dumadaam sa ganitong moment ng buhay. Yung may nagugustuhan kang tao kahit na hindi ka niya gusto. Minsan nakakawala ng pagasa at tiwala sa sarili. Alam ko naman na hindi ako kagandahan, sinasabi ko lang sa sarili ko na maganda ako to boost myself esteem. Pero sa totoo hindi ko rin alam kung anong katangian ang maganda sa akin. Madalas kasi tahimik ako sa classroom kaya mukha akong maldita. Pero maldita talaga ako sa mga may attitude na tao. Kaya paano nga naman ako magugustuhan ng crush ko."

Natapos na si Lora sa pagaayos ng kaniyang sarili at sumakay na sa kanilang sasakyan para magpahatid sa school. 

"Pero di bale na. Ang mahalaga naman nakakasama ko siya. Hindi rin naman niya ako mapapansin dahil busy yun sa work. Student assistant kasi siya dito sa school. Ang galing diba. Nagtratrabaho siya para suportahan ang kaniyang sarili at makagraduate. Para sa future. Napaka responsableng lalaki. Nagaaral ng mabuti. Matalino nga e. May itsura naman siya kahit payat mukha nga lang nakakatakot. Para kasing suplado sa umpisa pero ngayon ang epal na niyang kasama. Sarap sapukin. Lagi nalang bwisit sa buhay ko."

"Sa ngayon masaya na ako na magkaibigan kami. Malay natin isang araw sa future mapansin niya ang kagandahan ko, I mean mapansin niya ako kung I will make myself better ngayon. Kaya ginagamit ko yung hindi niya pagkapansin sa paramdam ko as inspiration para pagbutihin ko pa lalo. Kahit bobo ako sa math. Di rin naman siya ganun katalino dun kaya, patas lang. Pero nagpapakabait naman ako kahit pano sa araw araw. Tas kapag may sinasabi naman siya, nakikinig naman ako, though paminsan minsan hinahampas ko siya kasi madalas siyang nangangasar. Hayyys ganito pala kapag may crush. Gusto mong maging better para sa kaniya at syempre para din sa sarili ko. Maging crush man niya ako o hindi, para din sakin ang ginagawa ko."

Bumaba ng sasakyan si Lora at pumasok sa school building.

"This is it, panibagong school year na naman. Hayys ayaw ko na mag-aral, mag-aasawa na lang ako ng mayaman" 

"Hoy Lora! Nananaginip ka na naman ng gising. Tara na pumasok na tayo para tabi tayo uli" Sabi ng kaibigan niyang si Marijoy. "Sige ba" sagot ni Lora.

"Yan si Marijoy, ang kaibigan ko na walang sawa sa pagsuporta"

Pumasok nga sila sa loob ng silid at naghanap ng mauupuan.

"Huwag tayo jan, row 4 yan. Mapaghahalataan tayong mga bobo niyan." Sabi ni Lora kay Marijoy.

Pumasok naman ang isang lalaki na agad bumati sa kanila. "Aba ang aga nila, bagong buhay?" "Ang kapal mo naman, hindi naman kami na le-late noon" sagot ni Lora sa kaniya. "Oo nga, baka yung boys at the back" hirit ni Marijoy.

"Yan si Kino, kaibigan ko din yan at kahit ganyan yan, mabait naman yan." 

Pumasok ang isang lalaki. 

"Yan naman si JM, ang pinaka epal sa buhay ko." 

Lumapit ito sa kanila. "Oy musta" "bakit na naman?!" Sagot ni Lora. "Ang aga mo naman magmaldita. Nangangamusta lang" sagot nito. "Ikaw, kamusta na. Tumataba?" Bati ni Keno. "Tumataba ba?" Nagtatakang sagot nito. "Dito na kayo sa harap namin pumwesto para magkakatabi tayo." Mungkahi ni Marijoy.

Nagsipasukan narin ang iba pa nilang kamag-aral at nakamustahan ang bawat isa. Pagbukas ng pinto ay nagsitahimikan ang lahat at parang mga ninja na nagsibalikan sa kani-kanilang upuan ang bawat isa nang makita nila na ang kanilang guro ang pumasok. "Aba ang bibilis niyong kumilos. Lalo na kayo boys at the back. Kanina pagsilip ko nakatambay pa kayo tsk tsk baka puro ligaw na lang inaatupag niyo." "Walang ganun dito Ma'am!" "Mababait po kami" "guys, ano ba ang ligaw" at kung ano ano pang komento ng mga boys at the back. "Single pa po kami" "Para kayo Ma'am, single pa din" "Anong sabi nyo?! Jan kayo magagaling. Hala sige. Mag short quiz tayo baka nakalimutan niyo na ang management 1." "Pambihira! Sino ba kasi nagsabi nun" "ayan kasi, ginalit niyo si Ma'am"

"Hayys, yan si Ms. Chin. Parang tropa lang namin pero strikto din paminsan minsan"

Pagkatapos ng madugong klase ay dumiretso agad si Kino at JM sa front line upang magtrabaho bilang student assistant.

"Ganyan halos ang kanilang araw araw na buhay. Pagkatapos ng klase ay diretso agad sa marketing office para gawin ang trabaho nila" bulong ni Lora sa kaniyang isip.

Lumapit si Marijoy sa frontdesk at niyaya sila Kino at JM. "Sabay na tayo kumain mamaya" "oo nga, fist day of school, baka naman" dugtong ni Lora. "Bakit, miss nyo ba ako?" Sagot ni Kino sabay tingin kay JM. "Ikaw JM, sabay ka daw mayang lunch" "baka hindi muna, first day of school maraming mag inquire dito need nila Ma'am Cho ng tatao dito."

"Madalas talaga hindi namin nakakasabay sila na maglunch. Pero bago magklase dun kami uli nakakapagusap." sa isip ni Lora. "Yayain nalang natin sila Raceline".

WALANG ORAS

"Busy ako, wala akong time ma-in love"

"Ako si Kino Bautista, sa panahon ngayon, halos lahat ng kabataan mayroon nang kasintahan, pero ako eto. Single. Bakit ako single. Busy ako sa work. Wala akong time para makipag jowa. Kailangan kong magtrabaho para masuportahan ang aking pagaaral. Mapalad na nga ako at natanggap ako bilang student assistant kahit papaano maalwan dahil hindi na ako lalayo ng school. Minsan naiisip ko kung mayroon akong oras para main love. Magkakaroon kaya ako ng kasintahan. But I rather stop thinking about it since sayang ang oras sa pagiisip ng isang bagay na hindi naman mangyayari. Mas mabuti na magfocus ako sa pagaaral ko at pagtratrabaho. I know one day, God willing, na matapos ko ang kursong ito magkakaroon ako ng sapat na oras para gawin ang mga gusto ko habang sinusuportahan ang pamilya ko. Kailangan ko lang magtiwala at gawin kung ano lang ang magagawa ko sa ngayon

BAWAL

"Ayaw ni daddy na magkaroon ako ng jowa. Mahigpit niya akong pinababantayan sa aming driver. Komo makakasagabal sa pag-aaral, akala mo naman makaka graduate ako. Ayaw niya lang akong masaktan, dangerous sa heart. In short, bawal ang magmahal"

KAIBIGAN KO SIYA

Kino's POV

"Paano ko ba sasabihin na may gusto ako sa kaibigan ko na hindi maisasakripisyo ang pagkakaibigan namin. Ayaw ko siyang mawala kaya ayaw kong isugal kung anoman ang mayroon sa amin sa pag-amin ng nararamdaman ko"

HINDI AKO KARAPATDAPAT

"Pwede ba akong ma-in love?"


"Ako si John Michael Berhel, JM for short. Bakit ako single? Dahil hindi ako karapatdapat magkaroon ng kasintahan."

"Sa kalagayan kong ito, pwede ba akong magmahal? Pwede ba akong magkaroon ng kasintahan?"

Si JM ay mula din sa mahirap na pamilya. Nakakapag-aral siya dahil naging scholar siya ngunit may miscellaneous pa rin na binabayaran. Mabuti na lamang at naanyayahan siya ni Kino na mag student assistant para may mapagkukunan siya ng pambayad sa school. Dito narin siya kumukuha ng panggastos nila sa araw araw sapagkat umaaasa lamang ang kaniyang pamilya sa 4P's na nagmumula sa gobyerno. 

"Gaya ng ibang tao, may nagugustuhan din ako. Kaya lang, wala naman akong maipagmamalaki sa kaniya. Hindi ako ang ideal guy para sa kaniya"

"Minsan iniisip ko, ano kaya kung magtapat ako sa kaniya para lumawag ang aking dibdib. Kaya lang nagpipigil ako baka magkaroon ng awkwardness sa pagitan namin kapag nalaman niya. Ayos lang naman sa akin kung di niya ako magustuhan, nauunawaan ko naman kung bakit, kaya hindi ako nag eexpect. Una hindi ako kagwapuhan, wala akong pera gaya ng iba, hindi ako yung tipo ng lalaki na maipagmamalaki kaya alam ko na malayo ako sa gusto ko. Pero yung mawala pa ang pagkakaibigan namin ang pinaka ayaw kong mangyari. Kaya pinili ko na lang magmahal ng lihim. Masakit man, wala naman mawawala sa akin. Ngunit hindi rin ako magkakaroon."

Minasdan ni JM ang larawan ni Lora.

"Nagustuhan ko siya sa unang kita ko palang sa labas pa ng school. Nung minsan nagawi ako sa isang coffee shop, nakita ko siya na kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hindi ko naman maipagkakaila na nagandahan ako sa kaniya. She stands out sa crowd. Maganda ang porma niya. Ewan pero dun pa lang may tuwa na akong naramdaman. Kaya nga lang. Ano ba naman ako para magkagusto sa taong ito"

Sumakay ng bike papuntang school

"Hindi ko lubos maisip na magiging kaklase ko siya at magiging kaibigan pa mula nang makita doon. Hindi ko alam kung nagkataon lang pero masaya naman ako sa nangyari. Mas lalo akong nabighani sa kaniya hindi dahil sa taglay niyang ganda kundi dahil sa kabutihan ng kaniyang puso. Siguro nga may pagkamaldita siya. Pero sa panglabas niya lang yun. Sa loob niya makikita mo na mabuting tao siya. May takot sa Dios at magandang pananampalataya. Nakaka inspire din siya. Kaya nga naencourage ako magsulat sa klase dahil nakita ko siya na madalas na nagsusulat sa tuwing nagdidiscuss si Ms. Chin."

"I am becoming a better person dahil nagiging inspirasyon ko sya. At sa tuwing humihinginsiya ng tulong, ginagawa ko talaga ang best ko dahil deserve yung pinaka best. Yung tula at yung sample research. Gusto ko talaga ibigay ang best ko dun kaya lang nakakainis ang mga kagrupo niya na hindi karunong makisama.

-6- LAMAN NG PUSO

-7- BAHAGI NG BUHAY

-8- PUSO

-9- AMINADO

-10- HARANA

-11- OO O HINDI

-12- PAGSINTA

-13- MAHINANG PUSO

-14- HANAP PUSO

-15- MANGGAGAMOT

-16- 

Ipagpapatuloy...

Friday, March 13, 2020

KAAKLAT: Kwentong Pananampalataya

 


Nakakilala ako ng katuwiran sa pamamagitan ng aking matalik na kaibigan. Inanyayahan niya ako sa lokal upang makapakinig ng mabuting aral at dahil siya ay aking matalik na kaibigan ay akin siyang pinaunlakan. Hindi ko kilala yaong nagsasalita ngunit naaakit ako sa karunungan kaniyang dala. Bago sa aking pandinig ngunit tila nakikilala na ng aking kalooban ang bawat aral na kaniyang itinuturo. Samakatuwid, ako ay naanib dahil wala rin naman akong maitututol sa aking mga narinig at kinasabikan ko pang mapakinggan ang mga paksa na susunod na pag-aaralan. Naiwan man ako magisa ng aking matalik na kaibigan ay nilabanan ko ang hiya mapakinggan ko lamang ang karunungan na kung sa dating ako ay hindi ko gagawin: ang makihalubilo sa mga hindi ko kilalang tao.

Kay palad ko na kahit isang mahirap ay natawag sa tunay na Iglesia ng Dios. Bagaman natatago ang hirap sa pamamagitan ng mga ngiti nalalaman ng Dios ang aking mga paghihirap at pagtitiis. Hindi Siya nagpapabaya at nadarama ko ang Kaniyang pagkalinga. Sa tuwing wala na kaming makakain ay doon Siya nagbibigay: nagkakataon naaabutan ako ng relief goods ng mga taga lokal. Ilang araw ko bang naging ulam sa kanin ang isang litrong patis na naiabot nila sa akin. Hindi man nila narinig na ako ay dumaing na wala na kaming makain ay kusa silang tumutulong para bang nararamdaman nila ang aking gutom. Ang mga sandaling ito ay aking ipinagpapasalamat sa Dios na sinasagip Niya ako at ang pamilya ko sa gutom sa pamamagitan ng mga kapatid. Ang ganitong gawang mabuti at yaong naramdaman kong pagkalinga mula sa mga kapatid ay tinanim ko sa aking puso upang gayon din damdamin ang maiparamdam ko sa ibang tao lalo na sa kapatid kapag ako naman ang nabigyan ng pagkakataon ng Dios na tumulong.

Nakapagaral ako sa awa ng Dios dahil naging scholar ako ngunit mayroon parin binabayaran. Subalit kami ay walang anuman. Kaya madalas nasasabi ng aking ina na tumigil na ako sa pagaaral, ang katulad kong mahirap hindi dapat mataas mangarap. Madalas wala akong nakukuhang suporta dahil sa halip na ipangkakain na lang namin mahahati pa sa pamasahe ko ang maliit na kita ng aking ama, at hindi gusto ng aking ng ina na walang pera sa bulsa. Pinapaniwala ko na lang ang aking sarili na nasasabi niya ito dahil sa hirap ng buhay, sinoman ba naman makapagtitiis sa araw araw na isang kahig at isang tuka. Mas magaan pa ata sa kalooban ang gamitin ang pera pangbili ng makakain kaysa ang magtiis ng hirap para makapagaral sa walang kasiguraduhan na makapagtatapos. Saksi ang unan at kumot ko sa aking tahimik na pagluha. Ang mga hibik na sa panalangin ko lamang naidadaing, ayos lang yan, sabi ko sa aking sarili, at itinitiwala ko sa Amang mahabagin. Naniniwala na sa kinabukasan ay may maiuuwi ang aking ama na salapi para may maipamasahe ako pagsapit ng umaga, makapangyarihan ang Dios para gawin yaon, gayon nga madalas ang nangyayari. Nagsisikap akong mag-aral hindi para sa aking sariling kinabukasan kundi nagtitiis ako at nagsisikap para itong mga mahal ko sa buhay ay maiahon sa hirap, makita ko man silang nagagaanan sa buhay at makakain ng masarap kahit hindi man nila ako tulungan ay isa nang kasayahan. Baka hindi lang nila nauunawaan na para sa kanila ang aking ginagawa. At ang mga tumulong sa akin ay masuklian ko din naman ng kabutihan. Kaya nagpatuloy ako sa pag-aaral gamit ang binigay na karunungan. Wala man kaming ilaw hindi nagdilim ang aking pagasa. Sa hirap ay pinagkakasya ang isang pritong itlog sa amin magkakapatid at nangunguha na lang ng kabote at talbos ng kamote sa U.P. para may makain. Gumigising ako ng maaga para maglakad papuntang paaralan baon lamang ang isang litro ng tubig. Madalas mag-isa sa eskwela sa gayon hindi mahalata na ako ay wala. Mag-isa ko itong dinala at wala akong madaingan ni mahagkan kahit na mayroon akong mga kaibigan. Sino bang tutulong sa tulad kong aba, kundi ang Dios na pinaniniwalaan ko na matapos ko lang ang pagsubok na ito, ibibigay Niya ang kasaganaan na hinihingi ko. Kaya kahit na P500 lang ang naibayad ko sa aking pagaaral ay nagpatuloy ako at nagsumikap, ngunit sa likod ng isip ko ang aking plano ay bigla na lang akong mawawala at hihinto sa pag-aaral nang hindi nila namamalayan. Ngunit hindi ko maunawaan, may kalungkutan akong nadarama ngunit para bang hindi malungkot dahil hindi naman ako nawawalan ng pagasa, kaya kahit na alam kong wala naman akong inaasahang pera na ipambabayad sa aking matrikula ay nagpatuloy lang ako sa kung ano lang ang magagawa ko, ang mag-aral at ganapin ang tungkulin ibinigay sa akin. Isang buwan bago matapos ang sem, nang ako ay nakahanda na para tumigil ay isang biyaya ang dumating. Sa pamamagitan ng aking matalik na kaibigan ay naipasok ako sa isang trabaho na naging daan para makapagpatuloy ako sa pag-aaral. Dumating ang tulong sa pagkakataong bibitaw na ako. Hindi ko makakalimutan ang mga taong nagbigay ng kahit pampamasahe lang, ang minsan tulong ay nagiging walang hanggang utang na loob. Iingatan ko ang damdaming ito bilang inspirasyon para makapagtapos. Marami akong nais suklian at tulungan.

Ngunit ang paghihirap ay patuloy lamang maging hanggang sa aking pagtatapos kung saan ang lahat ay nasasabik sa pagdaos. Pinaghahandaan maging ang kanilang kasuotan, samantalang ako, narito, ang sapatos na mula pa elementarya hanggang doon dala dala ng aking mga paa, mga damit galing sa ukay ukay, mga binigay at pinaglumaan ang aking naging kasuotan. At ang ina na ayaw sumama dahil walang pera, walang suporta kung hindi lang napilit ng aking tita. Magtatapos sana akong nag-iisa suot suot ang nakangiti kong maskara.

Kaya naman sa aking pagtatapos ang unang sumagi sa isip ko ay ang magkaroon ng hanapbuhay para yaong mga paghihirap ay hindi na namin maranasan. Ngunit paano maghahanap kung walang panghanap. Ubos na ang natirang pamasahe at lakas ng loob para tanggapin na hindi ako nakapasa. Sinuong ko ang hirap ng pag-aaral ngunit narito, wala parin akong trabaho dahil hindi ako magaling. Anong sumbat na lamang ang uulan sa akin, na yaong mga ginastos para sa akin ay nabalewala, mainam pa sanang ipinangkain na lamang. Ngunit may awa talaga ang Dios nang muntik na akong sumuko doon dumating ang trabaho. Ngunit hindi madali ang naging paghahanap buhay lalo na kung ito ang iyong kahinaan. Nariyan na binubully ako ng aking mga katrabaho, minamaliit at kinukutya ang mga pagkakamali pero kailangan kong magpatuloy dahil sa dala kong pananagutan at hangarin na makita ang aking pamilya na makaranas ng saganang buhay. Umiiyak ako sa pagtatrabaho sa loob ng C.R. dahil hindi ako makasuko, kaya naging sandalan ko ang manalangin sa araw araw na sana maging maayos ang buong gabi ng pagtatrabaho at malayo sa mahihirap na tawag. Tanging ang sarili ko ang kakampi ko, kaya mo yan sarili ko, ang sabi ko. Naging pampagaan ng loob ko ay ang magampanan ang tungkulin ko at makatulong sa mga kaibigan ko. Ngunit sa huli, ako ay bigo. Natanggal at ibinalik pero natanggal parin sa trabaho. Lilitaw at lilitaw na hindi ako magaling.

Ang Dios ay gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Kanya, napagkalooban ako ng trabaho na kinabagayan ko at naging kasangkapan para mas makatulong sa pamilya, sa Iglesia at sa iba. Sa tuwing may pagkakataon na tumulong ay tumutulong ako sapagkat ako man ay tinulungan din ng Dios sa pamamagitan ng ibang tao. Naalala ko nang minsan may nagtanong sa akin kung ano ang trabaho ng aking ama, sagot ko ay wala, anong trabaho ng aking ina, sagot ko ay wala. Kung magkagayon, paano kami nabubuhay. Doon ko mas napagtanto na nabuhuhay kami sa awa ng Dios, na wala man trabaho ang mga magulang ko ay nakakakain kami. Ang naaawa sa dukha ay sa Dios gumagawa. Kaya sinikap ko na ang awa na pinadarama sa akin ng Dios ay laging maisagawa dahil Siya mismo ay naawa at gumagawa para sa akin. Magbigay at huwag hindian ang nangungutang sapagkat tayo man ay tinutulungan din. Dahil sa mga salitang ito hanggat may maitutulong ako ay tumutulong ako kaya madalas nabibigay ko ang lahat at kung minsan ako naman ang nawawalan ng panggastos. Ngunit hindi ako nangangamba dahil may Dios ako, hindi niya ako pababayaan damay na ang aking buong pamilya. Kaya naman sa mga gayong sandali dumarating ang tulong ng Dios. Madalas kasi kapag nagpapautang ako, kinakalimutan ko na sa gayon hindi masakit sa kalooban kapag hindi na maibalik at nagiging biyaya pa kapag isinasauli sa hindi mo inaasahan dahil dumarating sa sandali na walang wala kami. Nanggaling din ako sa wala at alam ko ang pakiramdaman na walang malapitan kaya hindi ko nasa na maranasan din yaon ng iba, ang pakiramdam na nag-iisa at walang mahingan ng tulong. Hindi kasawian palad ang kaawaan kundi isang kapalaran ang kaawaan ng Dios. Ang bilin ko sa aking mga natutulungan ay tumulong din sa iba sa gayon ay lumago ang mabuting gawa. Anong ligaya sa pakiramdam na kami ay maging magkasamasama sa pagtulong sa kapwa.

Ngunit hindi maiiwasan susubukin tayo maging sa gawang masaya mong ginagawa. Dumating ang panahon na may mga natulungan ako na ang ganti pa ay masama. Sinisiraan sa iba at pinag-isipan ng masama, na tinutulungan ko ang aking kapwa dahil mayroon akong pagnanasa. May ilan nagsasalita ng masama kapag hindi natutulungan, inaari akong madamot kapag walang naiabot lalo't minsan akong nakitang kumain sa restau. Animo'y isang karangyaan ang minsan pagkain ng masarap at ang bawat pagbili ng gamit ay tanda ng maraming salapi kawalan ng karapatan tumanggi sa nanghihiram. Ang iba naman ay kinakasangkapan ang aking tulong sa masama na para bang ako pa ang naging dahilan kung sila ay mapapariwara. At silang natulungan, sila pa ang nanumbat na wala akong naipon at naipundar. At bakit nga wala, bakit kaya wala akong naitatabi para sa aking sarili, hindi ba dahil din sa kanila. Hindi sa ako ay nanunumbat dahil ako man ay ayaw masumbatan, ngunit bakit ako binibilangan at hinahanapan? Ginawan ko sila ng mabuti ngunit bakit masama ang kanila ganti? Inakala ko na ang gawin mo sa kapwa mo ang gagawin din nila sa iyo. Ngunit narito, hindi gayon ang nakuha ko. Para saan na lang ang lahat ng paghihirap ko. Maging magulang ko ay niloko ako. Para bang ang naipon ko ganoon lang kadali nabuo. Mas inibig ang ibang tao at binalewala ang paghihirap ko. Wala na nga bang saysay ang lahat ng mga bagay?

Pinagdudahan ko ang aking mga gawa baka gumagawa na ako ng masama. Nasasayang lang ang pagtitiis ko para makatulong sa ibang tao dahil tila walang pinatutunguhan ang pagtulong ko sa kanila. Kaya sa tuwing may humihingi ng tulong ay pinapasok na ako ng duda na baka gamitin nila sa masama, baka ginagamit lang ang malambot kong puso o baka mauwi lang sa wala ang sakripisyo ko. Dahil dito ay humina ako sa pagtulong sa kapwa. Ngunit ang payo ng mangangaral ay magpatuloy sa mabuting paggawa, kung gumawa man ng masama ang tinulungan ay hindi ikaw ang naging masama. Tayo nga ay nilikha sa mabubuting gawa, ito ang landas na inihanda sa atin para lakaran. Kaya dito tayo marapat mabuhay. Makalimutan man natin ang ating sarili sa pagtulong sa kapwa, may Dios na hindi lilimot sa atin. Kung tila baga na parang walang balik ang lahat ng iyong ginagawa, may buhay na walang hanggan na naghihintay sa atin. Nakakapagod ang magtiis, nakakasawa ang magsakripisyo at umintidi sa ibang tao gayon wala naman umiitindi sa iyo. Wala ba ako nararamdaman? Wala ba akong pangangailangan? Ngunit dahil ikaw ay may karunungan, ikaw ang uunawa. Hindi ba mas mainam ang malagay sa umuunawa kaysa sa inuunawa? Kung ang kapalit ng karunungang taglay ay tiisin ang kanilang kalikuan ay aking pagsisikapang panatilihan sa tulong at awa ng Maylika. 

Hanggat mayroong ibinibigay ang Dios ay magpapatuloy ako sa pagtulong. Lokohin man o gamitin man ay ayos lang. Nakatuon ako sa pagtulong dahil gayon na lang ang aking saysay. Hindi man nila ako pahalagaan o iwan man kapag wala nang pakinabang ay hindi parin papipigil na maawa at gumawa. Siraan man nila ang mabuting kong gawa at tingnan ang mali kong nagawa ay hindi ako magsasawa sa aking paggawa. Katangahan man ang umibig sa kapwa, magiging tanga ako, makatulong lang ako hanggang sa huling hininga ko. Hindi ako mayaman bagkus binigyan ako ng Dios ng pusong mapagmahal.

-end