Wednesday, May 18, 2011

ENFJs as Friends

ENFJs as Friends

ENFJs are warm, sociable people who are keenly in tune with other people's feelings and perspectives. They enjoy supporting and bringing out the best in others. They are energetic and fun to be with. They seek authenticity in their close relationships, and are very sensitive to the needs of others. All of these characteristics make the ENFJ valued by their peers as a warm, supportive and giving friend.

ENFJs are interested in all sorts of people, and are likely to be able to understand and relate to all of the personality types. The will excel at getting along with all sorts of people when the situation demands that they do so. However, they will not choose to spend their personal time around all of the types. They may resist spending a lot of time with Sensing Perceiving types, whose carefree "live for the moment" attitude may conflict with the ENFJ's strongly held value system. When seeking companionship that is not romantic, ENFJs will be drawn to other Feelers who have similar values and ideas. Since they live in a people-oriented world, they are not comfortable with objective judgments which do not consider people issues. Consequently, ENFJs are not likely to have close friendships with strong Thinking types. They will be likely to especially enjoy the company of other iNtuitive Feelers, as well as Sensing Judgers.

IDEA

Libro

















Let them flow... Don't judge the book by it's cover, ika nga ng mga tao; sapagkat hindi matuwid ang humatol sa pamamagitan ng panlabas na anyo, ni hindi marapat ibuod ang isang kwento sa isa lamang angulo. At kung sa ganitong paraan ay hinahatulan ang isang libro, gaano pa ang tao. Basahin mo muna ang libro bago ka magbuod. Kung magkagayon, basahin mo muna ang tao bago ka humatol. Ngunit kung sa gitna ng mga pangungusap ay natatago ang mensahe ng aklat, gaano pa ang tao. Ang tao ay isang libro na nasusulatan ng maraming kwento. Hindi mo makikita ang kaniyang nilalaman sa kaniyang harap lamang. Hindi mo mauunawaan kung babasahin lamang ng pahapyaw. Nangangailangan ito ng sapat na oras. Ang pagbasa ay hindi minamadali. Ito ay marapat inuunti-unting dinarama: ang bawat salita, ang damdamin ng mga tauhan nito at kalooban ng libro. Oh kay sarap magbasa ng isang libro. Sa pamamagitan ng mga salita ay nabubuo ang libro ngunit hindi gayon ang tao. Sa mga salitang nakasulat nababasa natin ang libro, sa mga salita rin nababasa ang tao. Sa mga salitang naririnig, nakikita, nadarama at sa kaibuturan ng mga salita. Mula sa mga salitang namumutawi sa labi ng kapwa ay nakaguguhit ng pagkakilala, kung siya ay lumaking may nalalaman o lumaking mangmang. Gayonpaman, ang taong nagtitikom ng kaniyang labi ay nagtataglay ng karunungan. Sapagkat sa karahiman ng pagsasalita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang. Ngunit ang salita ay mapagsisinungalingan kaya hindi lamang ito ang dapat pagbatayan. Datapuwat sa mata makikita ang kaniyang kaluluwa. Ang salita ng tao ay hindi lamang nadirinig, nakikita rin. Sa anyo ng kaniyang mukha masisilayan ang puso kung masaya ba ito o may lungkot na itinatatago. Action speaks more words; sapagkat nagbabadya ng maraming salita ang kahit isang gawa. Ngunit kung ang mga binibigkas na salita ay nadadaya gayon din ang gawa. Kaya marapat malaman ang galaw ng naturalesa at ang tunay na nilalaman. Subalit kung paano ang pagbigkas ng mga salita ay nagkakaiba gayon din ang pagkakaiba-iba ng pagkaunawa sa mga gawa, kaya ang kawikaan ay hindi ukol sa lahat sapagkat may hindi nabibilang sa lahat. Lalo't huwag mangahas pagbatayan ito kung hindi marunong magbasa ng salitang totoo. Huwag padaya sapagkat ang gawa, ang mukha at binibigkas na salita ay pawang nabibilang sa panlabas na anyo. Ngunit kung malaman ang tunay na nilalaman mauunawaan mo ang tunay na inililitaw. Ang binhi ng ubas ay magbubunga ng ubas; kung ano ang nilalaman ay siya ring inilalabas. Ang buka ng bibig siyang laman ng dibdib. Para malaman ang nilalaman ay masusing pinagaaralan kung paano ang pagdaloy ng isipan at pintig ng nararamdaman. Kung paano niya masdan ang mga bagay at kung paano niya ito ilarawan. Sa kaniyang sariling kaunawaan masisilayan kung paano umikot ang mundo sa kaniyang ulo at sa pamamagitan ng pagibig ay makikita ang tibok ng kaniyang puso. Tunay ngang hindi sa isang angulo mo mamasdan ang isang nilalang para masabi ang uri nito bagkus masdan mo ang kabuoan para malaman kung ano ito at silipin ang kalooban para makilala mo. Hindi lamang sa mga salitang binibitawan, sa mukhang nasisilayan, sa kilos na ginagalaw, maging sa takbo ng isip at tibok ng puso makikilala ang tao. Kung paano sa huling araw ay hahatulan ang mga tao sa kaniyang mga salita, sa kaniyang mga gawa at mga gawang hindi nagawa o mga bagay na pumasok sa puso at isip, gayon din sila hahatulan. Ngunit ang dakilang Tagahatol ay may paningin na nakakakita ng lihim at nang tunay na dahil; sapagkat ang tao ay humahatol ng may kamalian dahil hindi nakikita ang lihim na kalooban. Sa gawa ang nagnakaw ay mayroong salita na siya ay masama ngunit sa kaniyang dahilan ay napawalang sala. Ang nagpupuri sa paningin natin ay nagtataglay ng kaluguran ngunit dahil sa kaniyang puso ay hindi siya kinalugdan. Ang nakangiti ay lumuluha sa kaniyang puso, ang lumuluha ay matapang sa kaniyang kalooban at ang malakas ay may tinatagong kahinaan. Marahil may salita sa ating mga gawa at nagmumula sa ating mga bunganga ngunit ang dahilan ay magpapakilala kung ito ay tama o may bahid ng kabulaanan. Ngunit ang ating paningin ay hindi nakakakita ng lihim kaya sino sa atin ang may karapatang humatol sa ating kapwa, kung siya ay mabuti o masama. Huwag tayong humatol, ibigay natin sa may karapatang humatol.