Monday, August 30, 2010

PAGLILIMBAG



Ang tao ay tulad ng isang aklat na nasusulat, naguguhitan at nakukulayan. Ang mga nakapiligid sa kaniya ang nagsisilbing kagamitan na nagpupunan ng kaniyang kalooban: ang tao, hayop, pangyayari atb., kapag napunan na ang buong pahina, lalagdaan ito ng Ama at pangyayarihin Niya; kumbaga isang mungkahi. Kung magkagayon, mangatutupad ang lahat ng nakasulat roon; at narito, nasusulat na ang isang buhay. Samakatuwid, lahat ng bagay ay nagkakalakip, sapagkat nilagdaan ng Amang nasa langit. (Roma 28:8)