MY SONGS

If I can only sing with a wonderful voice then this will not remain as a post
**************************

MAGPAPATULOY

Nagiisa at nalulumbay
Nawawalan na ng pagasa

Nagtatanong bakit nagdurusa
Sa kabila ng pagsunod ay lumuluha
Ngunit ang sabi Mo h'wag magtaka 
Sa lahat ng pagsubok ay magsaya

KORO
ilang ulit mang mabigo
Kung minsan ma'y natitisod
Muling babangon at magpapatuloy

__________________________________________________

MASAYA AKO PARA SAYO
2019
(in NFIL Wholeheartedly)

KORO
Masaya ako para sa'yo
Nakita mo na ang para sa'yo
Mahal mo siya, mahal ka niya
At mahal din kita
Di yon magbabago kahit hindi ako
Masaya ako para sa'yo
Nandito lang ako kung kailangan mo
Bilang isang kaibigan na nagmamahal
Kahit hindi 'man ako

_____________________________________________

BAKIT SIYA PA
2017
(in NFIL Fangirl)

KORO
Puso ko kung iibig ka ngayon
Bakit siya pa na mahirap maabot
Sa panaginip ma'y walang pagkakataon
At hindi maaaring ibigin
Ni maaari akong mahalin

Kung mag' isa ang ating mundo
Pwede na ba tayo?
Ngunit alam kong walang pag-asang magustuhan mo
Pagkat langit ang pagitan ko
Bakit sa'yo nagkagusto
Isang pangarap na hindi maaabot

(ulitin ang Koro)

_________________________________________________

YOU ARE THERE
December 2014

Refrain
And I call Your holy name
When I already feel the flame
Though I know I don't deserve
You are there (oh God You are there)

Chorus
You are there
When I can only see despair
You are there
You save me from my fears
I will never be alone
We will now become one home
Oh thank you God, my Lord
You are there

_________________________________________________

PAGKUPKOP
2014

Koro
Salamat po Ama, pinulot Mo ako
Kinupkop at inibig ang abang tulad ko
Salamat po Ama, hinirang Mo ako
Hindi man karapatdapat tinuring Mo akong anak Mo

Ako ma'y walang kabuluhan
Nilingap Mong tunay
Kapalaran ko'y binigyan Mo ng saysay
Salamat po, tinawag Mo
Sa kabila ng kababaan

(ulitin ang koro)

________________________________________________

TUNGKULIN KO
2013

Noon ako'y nagtatanong
Ano ba ang aking silbi
Bakit ako nabubuhay
Mayro'n bang kadahilanan
Iyan ang aking inalam

Sa tulong Niya at awa
Nakita ko at nalaman
Dahil sa sugo ng Dios
Ay aking naunawaan
Itong dakilang pagtawag

Koro
Ito ang tungkulin ko
Ang nagbigay halaga sa alabok na tulad ko
Kaya nagpupuri ako mula sa aking puso
At aking iingatan, palaging pagsisikapan
Ang tungkulin ay magampanan

Kahit lahat ay magawa
Sa Dios ang karangalan
Ako'y walang kabuluhan
Ginawa lang katungkulan
At ang aking natutunan

(ulitin ang koro)

Bridge
At ako'y nakahanda 
Na buhay ay mawala
Maganap ko lang 
Ang katungkulan

Ulitin ang koro

Coda
Madatnang gumagawang may katungkulan

__________________________________________________

HINDI NA BALE
April 23, 2013

Koro
Hindi na baleng hanggang pangarap ka na lang na 'di maaabot
Hindi na baleng hanggang tingin na lang na 'di mahahagkan
Maingatan lang ang tungkulin ko
Pagibig ko'y itatago
Hindi bale na magkaibigan na lang tayo
Basta makasama ka sa paraiso

_______________________________________________

PROUD OF YOU
April 21, 2013

You called me for salvation
You love me first since my existence
You faithfully believe I will accept Your gospel
Then I will be better and praise You forever
You, our God of loving kindness
Who are always there, providing care
And wants us to be saved

Chorus
I'm proud, I'm glad
And I want to let the world knows 
That I praise You
Thank You
And glorify Your greatness, Your faithfulness
Kindness and immeasurable forgiveness
So I am proud that You are my God
You are my God

________________________________________________

AWIT NG PAGTITIIS
January 17, 2011

Nagtatapat kahit na nasasaktan
Nagtitiis kahit nahihirapan
Umaasa na may araw ng kaginhawaan

Ang pagasa ko ay ang pangako Mo
Ang pagluha ko ay pagsandal sa'Yo
Wag Mo lang pabayaan baka ako'y sumuko

REFRAIN
Aking titiisin, aking tatanggapin
Kung hirap ang susubok sa 'kin
Kung krus ko ay dapat pasanin
May pagasa kong haharapin

CHORUS
Salamat sa tiisin, salamat sa pasanin
Tumitibay aking pananalig
At dumadalisay pa sa akin
Oh Dios ako'y Iyong pagtibayin

Nagsisikap makasunod sa Iyo
Sa kabila ng paguusig at gulo
Samahan Mo at tulungan ang panalangin ko

REPEAT CHORUS

BRIDGE
Hirap ko, luha ko
Kulang pa sa pagdurusa Mo

REPEAT CHORUS

CODA
Ama salamat sa pasanin/pagibig

_____________________________________________

NANDITO PA RIN AKO
2008

Kung ang buhay ay tatagal 
O kung di na dadatnan
Sasabihin ko ay ikaw 
Hanggang sa huli ay ikaw

Kung ang oras ay tumigil
Ikaw ay yayakapin
Kung ako naman ang tumigil
Ako ay iyong yakapin
Hanggang kahulihulihan
Ikaw pa rin

Refrain 1
Kung may buhay pang itatagal
Sa'yo ko lang ito ilalaan
Kung oras ay tumigil
Ikaw lang ang nais makapiling

Koro
Paalam, kung sa'yo ma'y mawawalay
I love you, y'un ang 'yong tandaan
Sa oras ng aking pag-alis
Pilitin mong ika'y nakangiti pa rin
Isipin mo kahit malayo
Nandito pa rin ako
Sa oras ng aking pagpikit
Sinasabi ko'y ika'y mahal pa rin
Isipin mo kahit malayo
Nandito pa rin ako

Kung ang buhay tatagal
O bigla na lang matatanggal
Nasa puso ko ay ikaw
Hanggang sa huli ay ikaw

Kung may kaya pang gawin
Magmahal sa'yo ang naisin
Kung wala ng hangin
Ako'y iyong damhin
Hanggang sa kahulihulihan
Ikaw pa rin

Refrain 2
Kung mayroon pang madarama
Ang labi mo sana
Kung mayroon pang matatanaw
Gusto ko lang ay ikaw

(ulitin ang koro)

Isipin mo kahit malayo
Nagmamahal pa rin sa'yo

_______________________________________________

ANG PAG-ASA KO
2007

Ilan ulit na rin nangangako
Ilan ulit na rin sumusubok
Ilan ulit na rin sumusuko't nabibigo
Ilan ulit na rin nangangarap
Ilan ulit na rin bumabagsak
Ilan ulit pa bago makamit ang hinahangad

Unti unti na 'kong sumusuko
Tiwala ay naglalaho
Kapalaran ko tila sa pagkabigo
Lagi na lang lumuluha
Sa paulit ulit na pagbagsak
Ngunit tuloy pa rin sa pag-abot ng hinahangad

Koro
Pag-asa ko ay ang pangako Mo
Inaasam ang katuparan
Kung pagdurusa, paghihirap at pagtitiis ay makaharap
Pagsubok man ay dumating
Nananalig kakayanin
Ilan ulit ma'ng mabigo hinding hindi susuko
Lumuha man, matisod man
Lalaban nang makamtan
Sa tulong at awa Mo
Ang pangarap ko'y matutupad

Ang pag-asa ko ay ang sinabi Mo
Na ang matuwid ay lilingapin Mo
Na di pagkukulangin sa buhay na ito
Tiwala ko na ang hangarin ko
Di Mo lang pinadarama ito
Bagkus bibigyan ng katuparang maabot

(Ulitin ang Koro)

_________________________________________________

SANA
2007
(in aklat ng tadhana)

Sana di na lang, sana di na lang
Sana di na lang pinakinggan
Ang isinisigaw ng aking puso ko
Sana di na lang pinagbigyan

Sana di na nangarap na makasama ka sa hinaharap
Sana pinigilan ang damdaming na in love
Tuloy itong puso ay nasaktan ng husto
Maging ang buhay ko sinira mo

Sana di ka nakilala
Di ka sana kinasusuklam
Sana, ang kapalaran ko ay magbago, hindi ganito
Sana, muling magbalik, n'ung dati wala ka pa sa'king tabi
Nang aking matuwid ang aking pagkakamali

_________________________________________________

NASAAN
2007
(in Blue Hero)

Bakit ako'y nag-iisa?
Bakit ako'y nalulungkot na?
Ba't tila mata'y lumuluha?
Bakit bigla silang nawala?
Sumama sa iba't doon nagsaya
wala na silang kailangan

REFRAIN
Nasaan ang kaibigan kong
dinamayan ko nu'ng sya'y nagdurusa
Nasaan ang kaibigan kong
sinamaham ko nu'ng sya'y nag-iisa
Nasaan ang kaibigan kong
inibig ko ng boung-buo
Nasaan, nasaan?

CHORUS
Ang buhay ko'y ibinigay ko na
Lahat na yata'y aking ginawa
ngunit bakit ngayon
ako'y nag-iisa
nalulungkot na walang kasama
Hindi man sila lumapit at
tanungin ako kung may problema
dahil ako'y di mahalaga

Ngunit ako'y nagtataka
Hindi naman ako naging masama
Lahat naman ginagawa
Ngunit lumalapit na lang kapag
may kailangan at naiiwan
bakit lumalapit na lang kapag
nag-iisa't kung nag-aaway
nasaan ang kaibigan?

(ULITIN ANG REFRAIN & CHORUS)

Ngayo'y nag-iisa mayroon kayang sasama?
Ngayo'y nagdurusa mayroon kayang
yayakap at magbibigay saya?
Ako ba'y mahalaga?

Ako'y nangangarap na lang ba
na sila'y dumating na magkakasama?
Ako'y nangangarap na lang ba
na ibigin ako tulad ng pag-ibig ko?
Ako'y nangangarap na lang ba
na sila'y totoo?
Nasaan, nasaan?

(ULITIN ANG REFRAIN & CHORUS)

Nasaan ang kaibigan?

_____________________________________________

ALONE
2006
(Nightmare: Alone, theme song)

I feel lonely, I feel empty
Why am I feeling these I don't understand?
What is the cause? What is this after?
I don't know why? I don't know how?
I'm just feeling lonely
I don't know when? I don't know where?
Suddenly I feel something heavy

Chorus
I am alone
I do not have any friends
I cannot feel my body, the love and care is gone
I am alone, I am living all by myself
They cannot feel me
They do not need me now
I am alone
I am a thing used when they need
I feel empty perhaps I'm just alone
I feel lonely maybe that's what I am destined to be

I thought I am friendly, I thought I am good
I have sacrificed all, I gave all I have
But I am alone, why I don't have any friends
Am I not enough, Am I not important

(repeat chorus)
__________________________________________________

PANGAKO MO
March 2006
(in The Promise)

Pangako mo'y nasa puso ko
Nananatili parin buo
Pangako mo'y hinahanap ko
Ang katuparan ng mga ito
Pangako mo'y nasa puso ko
Umaasa parin ako
Pangako mo'y hanap ko
Patunayan mo ang sabi mo
Na mahal mo ako

Sabi mo, ako lang ang iibigin mo
Sabi mo, ako lang ang nasa isip mo
Sabi mo, nag-iisa lang ako sa puso mo

Pangako ba'y isasapuso ko?
Mananatili pa bang buo?
Pangako pa ba'y hahanapin ko
Kung walang katuparan ang mga ito
Pangako mo'y pinako mo
Sayang ang pagtitiwala sa'yo
Pangako mo'y sinira mo
Hindi na aasa sa sinabi mong
Mahal mo ako
Ohhh

Sabihin mong oo
Sabihin mo kung kaya mo
Tumigil na sa pangako
Gawin mo ang sinasabi mo
Itigil ang pangangako
Wala na akong tiwala sa'yo
Na mahal mo ako

Di na maniniwala sa
Pangako mo

__________________________________________

COME ON MY FRIEND
2004
(in Pet Monsters)

My friend, come on, smile
Let’s play, laugh; let's fun
Do your job, come on dance
Sing a loud, shout the song
Slide not to trouble, just smile
Yeah hehe

Yeah! Laugh and laugh
Smile and smile, but before you smile
Make sure you get brush
Breath is yummy not yucky
Laugh and laugh, my friends come on
My friend, come on, come on

Chorus:
Come on, come on
My friend let’s go to the palace (like a heaven)
Come on, come on
I’m happy to see you my friend, my friend
Any problem you face, your problem will go away (front away)
Today, today, yeah hehe (my friend)
Your goodness is all I wanted (my friend)

_____________________________________________

FRUCKIE
2001

I'm Fruckie, like a puppy
I'm a toy, a gift for a little boy
I was with chocolates and lollipops
When he saw me, He hugged me so tight
When my ear is broke, He sew it
When he is happy he sing with me
I remember his promise, “I’m his life”

But I’m Fruckie, I’m a toy
A thing only for kids
When I old and ugly
I will be in the trash can

I’m Fruckie, He always bring me
But now he is an adult
He won't play stuffed toy
So he won’t know who I am

I’m Fruckie, I’m a puppy
I’m stuck in a bag that so dust
Like the other toys, I’m only past
I remember the child,
Who hugged me, kissed me all tonight

CHORUS:
I’m Fruckie, I’m Fruckie
I’m so lonely, lonely
I’m Fruckie, Fruckie, very ugly
So dusty; not look like a puppy
I was forgotten by a teen
Who is before, a child…
I wish, I hope; hoping that he
Remember me

I’m Fruckie, just a toy that can be forgotten
I remember the past on the bed every night
He hugged me

REPEAT CHORUS)


Remember me…
I hope, I wish, I’m Fruckie please,
I’m pleading, begging, hoping and wishing
Please remember me…

(REPEAT CHORUS)

The child I want to play with is now a young man
Please help me, I don’t want to gone
So please remember me
I’m Fruckie

_____________________________________________

BAKIT GANITO?

2000

Bakit ganito? Umagang kay dilim
Kumikislap ang bituin, nakakasilaw ang araw
Bakit ganito? May hugis ang ulap
Tumatakbo pa ito, kay rami pang nagsisiliparan
Bakit ganito? Umagang kay ganda,
Ulap ay usok minsan, Minsa’y paalon-alon
(na parang dagat) uhh ohhu…

Bakit ganito, sa isang kisap-mata wala na ang iba
Wala na nga bang makikita...

Koro
Bakit gan’to? Bakit gan’un?
Sino ang sasagot sa mga katanungan ko?
Upang hindi ako nalilito
Bakit gan’to? Bakit gan’un?
Ang musmos ay nagtatanong
Sagutin nyo naman ako, upang ako’y matuto
Matuwid sa pagkaliko at malaman ko
Kung bakit ganito

Bakit ganito? Umaga’y nagdidilim
Alapaap ay nag-iitim, wala na ang araw
Bakit ganito? Nag-isa ang ulap
Ulan ay pumapatak, mayr’on pang kulog at kidlat
Bakit ganito? Lumalamig ang lahat
Nieve’y bumabagsak, namumuti ang lahat
Uhh ohhu…

(Ulitin ang koro)

___________________________________

PANGARAP

2000

Koro:
OK now, mangarap ka...
ano pang hinihintay mo, mangarap ka na
at sikaping matupad, ang 'yong pangarap

Lahat tayo... may panga...rap... na minimithi
Lahat tayo... may dinaraanang pagsubok
ngunit ang iba'y, sumusuko... ang iba'y lumalaban...

Koro 2:
OK now, sabay sabay tayong lumaban sa pagsubok
hindi lang kayo... ang may mababang pangarap...
hindi lang kayo... ang naghihirap...

(ulitin ang koro)

Pangarap n'yo makakamit kung ating sisikapin
Pangarap n'yo makakamit kung pag-aaral ang aatupagin
Pangarap n'yo makakamit kung sa Kan'ya'y may tiwala pa rin

Pangarap n'yo, Pangarap ko, kaya natin 'to
Pangarap n'yo, Pangarap ko, tuparin natin 'to
Pangarap ko, pangarap n'yo,
sikapin natin 'to, abutin natin 'to
pangarap...

_____________________________________

COPYRIGHT