Thursday, August 6, 2009

BLUE HERO

KIYO AUTHORITY
presents
BLUE HERO
November 2006

-1- To the magical world
-2- Unknown Power
-3- Circus
-4- Golden Church
-5- The Unholy Beast
-6- Gang
-7- Harpies' Nest
-8- Jessie's Treasure
-9- Marketing
-10- Fairy

Friday, March 13, 2009

Wag kang mawalan ng pag-asa

Huwag kang mawalan ng pag asa kaibigan, inuulit ko, huwag kang mawalan ng pag asa. Kahit tila wala na tayong magagawa sa anomang pinagdaraanan natin ay huwag ka parin susuko. Kung minsan panahon na lamang ang magsasaysay kung tayo ba ay magtatagumpay o mananatiling lumalaban. Hayaan mo munang yumaon ang mga araw at maghintay. Manatili sa kung ano ang iyong ginagawa at pagtiisan pa ang hirap at sakit na nadarama baka sa isang sandali, sa hindi natin nalalamang kinabukasan, ang mga pighati natin sa buhay ay isa isang hihiwalay. May mababaon sa limot, may bigla na lang maaayos at may kalutasan ang bigla na lang dadapo sa iyong isipan matapos mong umasa at maghintay. Dahil kung minsan sa isang laban hindi mo kinakailangan agad lumaban o agad sumuko, kinakailangan mong maghintay at darating din ang tamang panahon kung kailan mo isasagawa ang lahat mong nasa. Maghintay ka kaibigan. Maghintay na may pag asa.

Kung tila ang buhay ay mahirap at ang kalungkutan ay umaapaw, huwag mong pigilan umiyak. Idaing mo kung kinakailangan. Idalangin mo ang inaasam. Mayroon kang mga kaibigan na handang makinig sa anomang iyong pinagdaraanan o kung di man, ay narito ang iyong lingkod, handang makinig sa anomang sasabihin mo. Dahil gaya mo, gaya ng iba pang mga tao, may pagdurusa ako. Kaya yaong may tinitiis ang siya rin makakaunawa ng iyong pagtitiis. Kaya't lumapit ka at iyong idaing ang mga bagay na hindi masambit ng iyong saloobin. Ngunit huwag mo lang iiyak, hayaan mo lang dumaloy ang lahat at pagkatapos ay bumangon ka at isagawa ang mga plano mo sa buhay na may pag asa. Iwan mo na ang kalungkutan at tingnan ang pagtatagumpay. Kung ano ang iyong plano ay doon ka lumakad. Huwag ka munang lumingon sa iyong dating kalungkutan. Kung nagpasiya kang magpatuloy at gumawa ng paraan, magpatuloy ka at gawin ang lahat ng iyong makakaya sapagkat hindi natin malalaman ang kahihinatnan kung hindi natin susubukan, sa gayon wala din pagsisisihan. Huwag kang mawalan ng pag asa kaibigan. Panahon ang magsasaysay kung kailan titigil ka. Kung kailan wala na ang kirot para iwan ang mga bagay na dati ay mahalaga. Wala ng pag aalala sa mga dating isipin at suliranin. Magpatuloy ka habang naghihintay sapagkat ang gawa ay hindi agad nagbibigay ng resulta. Huwag kang mawalan ng pag asa at hayaan mo ang sarili mong makahinga. Lumingon ka at masdan ang iyong mga kasama. Magpakaligaya ka kasama sila habang naghihintay sa bunga ng iyong mga gawa. Idaing ang saloobin at ilapit ang mga hangarin sa pamamagitan ng panalangin sapagkat may mga bagay na wala na sa ating kapangyarihan bagkus iaasa sa mas makapangyarihan sa atin. Iyong iasa at ipasa ang bigat ng iyong nadarama. Palayain mo ang iyong sarili sa tali ng dalamhati sapagkat gaano man tayo mabalisa ay hindi tutulong sa ating mga problema. Huwag kang mawalan ng pag asa kaibigan, inuulit ko, huwag kang mawalan ng pag asa.