Saturday, August 20, 2005

ALL TOGETHER

NIGHTMARE

presents 

A travel from adventure to journey towards death 

ALL TOGETHER

May isang barkada na nabuo mula pa nang sila ay mag-aaral pa lamang. Tinatawag na Eighteen ang kanilang samahan dahil ito ang bilang ng kanilang klase kung saan sila ay nagsamasama. Sa anomang bagay ay magkakasama sila. Nahilig sila sa paglalakbay nang sila ay magtapos at may kanikanilang hanapbuhay. Kanilang sinusulit ang kanilang kabataan sa paglilibot at pagnanasang makaranas ng paglalakabay. Ilang bundok na ang kanilang inakyat at iba't ibang isla na ang kanilang pinuntahan mapunan lang ang sinisigaw ng kanilang hangarin, ang makaranas ng isang lakbayin hinding hindi nila malilimutan buong buhay. Sapagkat ang karanasan ang pinakadakilang tagapagturo ng buhay at isang bagay na dadalhin hanggang sa pagtanda na maisasaysay sa mga bata.

Ang barkada ay binubuo ng labing-apat na tao. Si Romeo ang kanilang lider kasama sina Jonathan na basketbolista at PJ na tinatawag na Kwek sa di maalaalang dahilan. Si Micah ang nangunguna sa mga kababaihan kasama sina Myrna na na inaasar nilang mabigat at Justine na maliit na maalam sa medisina at ang laging inaasar na si Kristina. Kasama rin sa grupo si Cain ang pinaka matangkad sa kanila na tinatawag din na Coy at kilalang engineer. Si Raymart na tinatawag na Biama mula sa asar na baby ama dahil sa pagiging malaki niya. Si Joseph ang sugo dahil pinakapogi sa barkada. Si Bong ang palabiro kasama si Rommel na tinatawag na Palacio dahil ito ang pangako nya sa mga nililigawa niya. Si Dar ang mahiyain at si Elmar The Lion na duwag ang kanilang imbentor. 

Isang araw ay naglalakad si Dar sa kalsada nang bigla siyang pinagtripan ng mga tambay. "Hoy ikaw! Matapang ka ba!?" Sigaw ng isang naghahamon ng away mula sa isang dako. Napalingon si Dar sa malakas na sigaw nito at agad binilisan ang kaniyang lakad nang makakutob na naghahanap ng gulo ang mga tambay na ito. Nang nabatid ng mga tambay na binibilisan niya ang kaniyang lakad ay sinundan siya ng mga ito. Hindi na nag atubili si Dar at siya ay nagsimula nang tumakbo. Hinabol narin siya ng mga tambay. Ngunit naabutan siya ng mga ito at tinulak sa isang pader. "Gusto mo bang maglaro ng habulan?" Nagbabantang sabi ng lalaking tumulak kay Dar sa pader. Hindi naman makapagsalita si Dar at hindi nagpapahalata na natatakot. Lumapit din ang dalawa pang tambay na kasama nito na nagbabantang bugbugin si Dar. Ngunit mula sa kadiliman sa likuran ng mga tambay ay may matang nagmulat sa kanilang itaas at nasalita. "Kung sa akin kayo makipaghabulan" banta nito. Namukhaan ni Dar ang nagsalita. Si Cain kasama si Raymart. Nakahinga ng maluwag si Dar sapagkat alam niyang ligtas na siya sa kapahamakan dahil ililigtas siya ng kaniyang mga kaibigan. Natakot ang mga tambay sa tangkad ni Cain at sa kalakihan ni Raymart. Kaya naman ang tatlong tambay ay nagsitakbo palayo. Nagpasalamat naman si Dar kay Cain at Raymart na dumating sa tamang panahon para iligtas siya. 

Nagawi sila Cain at Raymart sa lugar na iyon para ipaalam kay Dar ang muling pagkikita ng barkada para sa ika-13 anibersaryo ng grupo. May nahanap din daw si Romeo na lugar na magandang lakbayin. Isang lugar na misteryoso. Dahil sa kilabot na dala ng lugar ay maraming nagsasabi na mapanganib ang pumunta doon na siya naman nagpaingganyo sa grupo na puntahan ito. Kaya pinatawag ni Romeo ang lahat para pag-usapan ang pagpunta dito. 

Sa barkada nila, si Romeo ang nasusunod dahil siya ang kanilang lider. Kaya kapag sinabi niya na pupuntahan nila ang lugar na ito kailangan ang lahat ay sama sama na pupunta. Gayon ang naging patakaran ng kanilang barakada simula sekondarya. Lahat sama sama sa paglalakbay tungo sa isang kakaibang karanasan. 

Gaya nga ng kanilang napag-usapan ay nagkitakita nga sila sa isang dako para doon ay sama sama silang sasakay sa van ni Romeo papunta sa nasabing lugar. Isa isa nga silang nagdatingan sa napag usapang lugar. Pagdating ni Dar sa dakong pagtitipunan ay naroon na ang grupo ng mga babae. "Kayo palang?" Pagbati ni Dar. "Ano pa nga ba, late na naman kayong mga lalaki" sagot ni Micah. "Uy may 1 minute pa bago mag 4am. Hindi pa ako late" dahilan ni Dar. "Ayan na pala sila Coy at Biama" sabi ni Myrna. "Nuno kamusta na!" Pagbungad na bati ni Cain. "Hindi ka parin talaga nagbabago Kapre! Di parin kita makita sa dilim" sagot sa kaniya ni Justine. "Uy Micah! Myrna! Ayan na si Joseph" sabi ni Kristina. Nagtinginan ang lahat sa pagdating ng pinakapogi at tahimik sa kanilang lahat. "Grabe ang gwapo parin ni Joseph" bulong ni Micah kay Myrna. "Oo nga" sang ayon nito sa kaniya. "Easy lang girls baka matunaw" sabi ni Justine sa kanilang dalawa na titig na titig kay Joseph. "Kayong dalawa kinikilig na naman kayo" sabi din ni Kristina sa kanila. Sabay naman na tumanggi ang dalawa. "Hindi ah!". "Kinikilig ka din naman" pangasar ni Cain kay Justine. "Hoy hindi ah! Nakakainis ka talaga" sagot ni Justine sabay hampas sa kaniya. Dumating naman si Bong na agad nangasar, "Uy si Myrna sumesexy. Para kanino yan?". "Matagal na akong sexy" sabay irap sa kaniya na nakangiti. Tiningnan naman ni Dar si Raymart na nakangiti. "Luh" reaksyon ni Raymart sa mukhang pangasar ni Dar. "May gusto si Biama kay Myrna!?" Namamanghang sinabi ni Justine na minamasdan ang asaran ng dalawa. "Hala hindi" pagtanggi ni Raymart. "Hindi daw halata" dinugtungang sagot ni Cain. "Tse! Mga hayop kayo ako naman ang pinagdiskitahan nyo" sabi ni Myrna. "Ligawan ka daw ni Biama, ayos lang ba?" Pangasar na tanong ni Bong. "Umaayos ka nga Bong. Tirisin kita jan" padalagang sagot ni Myrna. "Uy pwede daw" sabi ni Bong kay Raymart. Tinulak naman siya ni Myrna"wala naman akong sinabing ganun!" "Ayos yan Biama ligawan mo na, bagay naman kayo e" sabi ni Joseph kay Raymart at hindi naman nakaimik ang mga babae dahil nahihiya. "Tapos si Justine bagay naman kay Palacio" sabi ni Cain nang makita niya si Rommel na padating. "Ano yun? Ano yun?" Nakikibalitang tanong ni Rommel. "Wala! ang panget niyong dalawa!" Sigaw ni Justine. " Hala nagagalit na ang nuno, lintik lang ang walang ganti" pangasar ni Cain. "Layo layo na kayo jan manununtok na yan" dugtong pa ni Rommel. "Hmmmp!" Reaksyon ni Justine. "Hoy wag niyo na ngang binubully si Justine" sabi ni Micah. "Oo nga mga bully talaga kayo!" Sabat ni Kristina. "Sayo ba walang nagkakagusto" pangasar na tanong ni Bong kay Kristina. "Walang hiya ka ang kapal mo! Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan!" Sagot ni Kristina kay Bong habang hinahampas niya. "Help! Hina harass ako ng panget!" "Anong sabi mo! Ang kapal naman ng mukha magsabi eh hindi ka naman pogi!" Lalo pang nilalaksan ang hampas ni Tina kay Bong. "Eh sino naman ang kay Micah" tanong ni Rommel. "Kay Elmar yan" sagot ni Raymart nang nakita din papalapit na si Elmar. "Hoy walang may ano sa akin, lagot kayo sa akin" banta ni Micah. "Huh ano yun?" Nagtatakang tanong ni Elmar pagkalapit sa kanila.

Kumpleto na ang grupo nang dumating ang isang van sa kanilang harapan sapagkat naroon ang tatlo na sila Romeo, Jonathan at PJ. Nagbukas ang bintana ng sasakyan at nakita si Romeo sa loob, naroon nga din nakasakay si Jonathan at PJ ang nagmamaneho "Oh ano na!? Tara na!" Paanyaya ni Romeo sa mga naghihintay. "Aba umaasenso" sabi ni Micah. "Sana nga eh kaso kay Athan 'to, nasira sa huling biyahe ang sasakyan ko" sagot ni Romeo. "Mukhang malakas kitaan sa basketball " sabi naman ni Rommel. "Dapat nagbasketball ka na din sayang naman yang tangkad mo" sabi naman ni Justine kay Cain. "Coy join ka na din baka ikayaman mo pa" sabi ni Raymart. "Hinay hinay lang mahina kalaban hahaha pag iisipan ko" sagot sa kanila ni Cain. Agad naman silang sumakay sa van. Mas lalong lumakas ang ingay ng grupo dahil sa asaran. "Hoy yung hanay na 'to para lang sa mga babae. Dun kayo sa likod" bilin ni Micah. "Dito na lang ako sa likod ni Justine para may maasar ako mamaya" sabi ni Rommel. "Ayos ka din, ako talaga ang gusto mong asarin" sagot sa kaniya ni Justine. "Hahaha ikaw talaga ang gusto ni Palacio" pangasar ni Cain. "Ewan ko sa inyong dalawa! tigilan niyo nga ako baka pag umpugin ko kayo" banta ni Justine. "Ang tapang naman pala nito" sabi ni Rommel. "Oo nga eh, ang liit liit ang tapang tapang" lait ni Cain. "Grabe ka naman sa ang liit liit" patampong sagot ni Justine. "Uy Tin Hi daw sabi ni Kwek, ayi" asar naman ni Myrna kay Kristina. "Kadiri ka! Bakit na sa akin na naman" sagot nito. "Choosy ka pa? Pagda drive ka nyan. O gusto mo ba ikaw ang nagda drive?" Asar ni Romeo kay Kristina. "Mga hayop kayo ako na naman ang nakita niyo. Ako lang to" "wow! Ang ganda mo!" Sigaw ni Jonathan "ayawan na nga. Nagkakalokohan na tayo e" sagot ni Romeo. "Ay akala ko gusto mo talaga si PJ?" Napatanong si Dar. "Pati ba naman ikaw! Wala akong gusto sa kahit kanino. Okay!" "Okay ma'am pero patakip na po ang mukha" asar ni Bong sa kaniya. "Wow huh! nagsalita ang dapat magtakip ng mukha" sagot sa kaniya ni Kristina. "O sige na isara mo na ang pinto baka akalain pa na mga kidnapper tayo kapag may nakakita sayo" lait muli ni Bong. Nagtawanan na naman ang lahat. Sinara nga ni Kristina ang pinto na nanggigigil kay Bong at nagsimula na silang umandar patungo sa kanilang pupuntahan. 

Habang nasa biyahe sila ay inasar na naman ni Cain si Justine, "mukhang tumatangkad ka, umiinom ka ba ng pangpatangkad?" "Hoy ikaw kapre tigil tigilan mo ko baka pasakan ko yang bibig mo!" Sagot sa kaniya ni Justine. "Ano ba yan Coy ang ingay mo naman" reklamo ni Myrna. "Ang sungit naman ng mga 'to yan ba ang mga crush nyo Palacio, Biama?" Reklamo din ni Cain. "Ang kapal niyo hindi ko hiningi na maging crush niyo" sagot ni Justine. "Hoy wag mo nga akong madamay damay sa asaran niyo makakatikim ka sa akin" banta ni Myrna. "Wag mo kasing asarin Coy baka masaktan ka, sige ka" sabat ni Biama. Bigla naman sumingit si Joseph na katabi ni Biama. "Myrna si Biama daw gustong makatikim" hindi naman nakaimik si Myrna. "Ay iba, bumabanat din naman pala 'tong si Joseph" sabi ni Micah. "Ikaw huh! Patahitahimik ka lang pero gago ka din pala" sabi ni Kristina. "Grabe naman makagago 'tong si Tina napakalutong" sabat ni Justine. "Huwag niyong ginaganyan si Joseph iba tumira yan" sabi ni Romeo. "Iba ata ang pagkaintindi ko sa sinabi mo?" Sabat ni Jonathan sa katabi niyang si Romeo. "Bakit may naririnig ako tirahan jan?" Sabat din ni Bong. "Mukhang maganda usapan niyo huh pasali naman" sabi ni Rommel. "Magaling ba sa tirahan si Joseph?" Tanong ni PJ na nagdadrive. "Teka ano bang tirahan 'tong pinag-uusapan natin?" Naguguluhang tanong ni Micah. "gusto mo bang subukan?" Tanong ni Jonathan. "Gago ka! Umaayos ka sa sagot mo huh nagtatanong ako ng maayos" banta sa kaniya ni Micah. "Maayos bang sagot ang hanap mo? Ano nga ba ang tirahan Elmar" baling ni Jonathan kay Elmar na nananahimik sa likod. "Hala bakit ako?" Pagtataka ni Elmar. "Hindi mo ba ginanun si Micah?" Tanong ni Romeo. "Niligawan mo ba si Micah, Elmar?" Tanong agad ni Dar. Nagtawanan naman ang lahat. Nagtaka naman si Dar, "mali ba ako ng pagkakaintindi?" Muling tanong ni Dar. "Ito kasing mga 'to 'kitang may bata tayong kasama nag uusap kayo ng ganiyan" sabi ni Raymark. "Hanapin mo sa dictionary para malaman mo, 'di ba matalino ka" sabi ni Romeo. "Naku Dar wag mo nang hanapin pinagloloko ka lang ng mga yan" bilin ni Justine. "O sino naman sunod na titirahin?" Biglang sabi ni Bong. "Ano ba yan Bong hindi ka pa rin tapos?!" Sabi ni Kristina. "Mukhang si Tina gustong makatikim" asar ni Romeo. "Hayop kayo ano ba yun?" Tanong ni Kristina. "Hindi mo din alam kung ano ang tinutukoy nila?" Tanong ni Micah sa kaniya. "Ay pass ako pag si Kristina" sagot ni Jonathan. "Ikaw Kwek gusto mo ba?" Tanong ni Romeo. Minura lang siya nito. "Oh si Bong na lang huwag ka na mapili" asar ni Jonathan. Nagtataka naman si Kristina. "Hay wag ako mananahimik na ako dito" sagot ni Bong. "Huwag kayong ganiyan baka hindi niyo akalain bukas makalawa may mahanap yang Afam" sabi ni Romeo. Naguguluhan naman na si Kristina. "Mahilig ka sa afam Tina?" Tanong ni Rommel. "Huh anong pinagsasabi nyo?" Tanong ni Kristina. "Nililito niyo na siya" natatawang sabi ni Micah. "Foreigner kasi yun Tina" sabi ni Myrna sa kaniya. "Anong gagawin ko sa foreigner?" Tanong niya. Nagtawanan ang lahat. "Kakausapin mo hahaha" sagot ni Romeo. "Hala hindi ako marunong mag english tas papakausap niyo pa sa akin?!" Nagtawanan ang lahat pagkasagot ni Kristina. "Iba ka talaga!" Papuri ni Bong sa kaniya. "Well, ako lang 'to guys" taas noong sagot ni Kristina. "Iba talaga confidence level mo girl" sabi ni Justine. "Dapat ganiyan ka din" sabi ni Cain. "Ikaw na lang" sagot sa kaniya ni Justine. "Ayaw mo ng afam Justine" tanong ni Rommel. "Ako na naman nagpagtripan niyo!"sagot sa kanila ni Justine. "Eh si Palacio gusto" asar naman ni Raymart. "Hoy ikaw! iba ka din sumegway" paturo turo niya kay Biama. "Hoy wag magturo baka ka manuno" asar ni Rommel. "Pwede din ba manuno ang nuno?" Tanong ni Cain. Hinampas naman ni Justine ang dalawa sa ulo. Natawa naman ang apat na nasa likod. "Ayan na nga ang nanuno" biro ni Joseph. "Ikaw Ex gusto mo ba ng afam" tanong ni Jonathan kay Micah. "Anong ex naging tayo ba?!" Sagot ni Micah kay Jonathan. "Hindi ba crush mo ko" asar ni Jonathan sa kaniya. "Kailan kita naging crush?! Hoy ilong huwag kang gumagawa ng kwento!" Nanggigigil na sagot ni Micah. "Gusto mo bang ipaalaala ko sayo huh ex" sabi ni Jonathan na nagbi beautiful eyes pa. "Kadiri ka! Hayop ka ilong!" Reaksyon ni Micah. "Yuck!" "Kadiri naman to!" "Bakit ko ba nakita yun" reaksyon ng mga babaeng nakakita sa pacute na mukha ni Jonathan. "Ang sweet naman nila gusto mo halikan din kita Kristina" asar ni Bong. "Ako na naman. Kung may gusto ka sa akin ngayon pa lang bina busted na kita!" Sagot ni Kristina sa humahabang nguso na si Bong. "Ganda naman pala niyan" asar din ni Rommel. "Magandang kawayan" asar ni Romeo. "Na mukhang katulong" dugtong pa niya. "Kawayang katulong ka daw oh" asar pa ni Bong. "Nakakainis na kayo!" Pikon na sagot ni Kristina. "Tumigil na nga kayo baka mamaya umiyak na yan" puna ni Justine. "Mga bully talaga 'to. Huwag mo na lang pansinin ang mga yan" sabi ni Micah kay Kristina. 

Napansin naman ni Dar si Elmar na may ginagawa sa kaniyang laptop. "Ano yang ginagawa mo?" "May iniimbento ako na device na maaaring makatulong sa pupuntahan natin" paliwanag niya. "Uy mukhang ayos yan" sabi ni Joseph na sumisilip din sa ginagawa niya. "Wow ang galing mo naman. Iba talaga pag natatabi sa matatalino feeling ko nagiging matalino narin ako" biro ni Raymart. 

Itutuloy...