You gave me water so I gave you air
And I gave you flowers
Then I gave you food
Then I gave you shed
But when you saw me tall and strong
You cut me down and made me your foundation of your home
- Tree
You gave me water so I gave you air
And I gave you flowers
Then I gave you food
Then I gave you shed
But when you saw me tall and strong
You cut me down and made me your foundation of your home
- Tree
I helped my friends as much as I can and sometimes more than what I should until they return destruction and unappreciation then I will leave without a trace. I will be dead in their world and they will be the same in my world. Now I decided to walk on my own without anything to carry on my shoulder. I live a peaceful life. Without laughter but without tears. Without expectations and without disappointments. A clear world without anything but peace until that same peace went inside me and I , myself became peace.
I walked alone in my world and that so called peace inside me widen its scope. It whitened everything inside of my space and everything I touch until everything around me is whitened and cleared. Everything became in peace and there is nothing that can corrupt my peaceful world because there is nothing anymore in my world. Everything becomes nothing. And this so called peace becomes nothing as well. Thus, I am nothing. Nothing in my world and nothing in your world.
I became an indestructible peace and a pure white that cannot be bothered by anything because I lost concern for any single thing. As I walked to my own path this so called peace is starting to whiten me. I slowly camouflage to my surroundings. No, I am actually starting to become totally nothing. Just like everything around me, which is now nothing for me. Because that's how peace consume everything to maintain its peace and now it's consuming me so I will become in peace.
One day, a man is walking by while looking for food.
"Hi there friend! I'm glad to see you! Come over here, I want to hear your story". The tree invited the man to have a little conversation.
The man answered, "Pardon me, but I don't have time to waste. I'm hungry and I'm looking for food to eat."
The tree suggested, "Then you can eat my fruits while talking to me".
"Therefore, let me have it all so I can share some of it to my friends". Then the man pick all of the fruits of the tree.
"Now you have fruits to eat, tell me something about where you came from"
"Let me bring this food first to my friend then I will tell you". Then the man left to bring the fruits to his friends.
After some days the man went back.
The tree immediately greet the man, "How are you young man! I'm so excited to talk to you".
The man said, "Pardon me but I still don't have time because I am courting my loveone and looking for something to give."
"Then you can take my flowers, their fragrance is enough to make her fall in love."
The man took all the flowers and immediately run to his loveone.
After some time the man returned.
The tree greeted him, "Hi my friend! I'm glad you came back to talk to me".
But the man told the tree, "as much as I want to talk to you but I am too worried because my baby is sick".
The tree offered help again, "then you take my leaf, it is effective medicine to those who are ill".
Then the man took all leaves and left the bald tree.
The man returned in winter and approached the tree, "I was going to tell you a story but this coldness made it difficult for me to do it. Can you lend me your branches so I can make fire from it?"
The tree is happy to help the man so he can return in spring healthy and happy to tell his journey.
The man really came back in spring but to ask help from the tree, "my house was destroyed due to bad weather, I'm here because I know you can help."
The tree answered full of mercy, "take what you need from me to fix your house, and I, your friend will wait for you to listen to those stories you have promised to tell."
The man took everything he needs to repair his house.
Finally, everything is good and the man came back to tell his friend how he manage to overcome those obstacles but the tree is not there anymore. The man felt tired after trying to look for the tree and start searching for a place to sit. So when he found something to sit, he immediately rest on it and uttered. "I want to tell you so many things but you are not here, so I will just sit here to relax."
..............................................................................................
Noong unang panahon, may isang puno ang tumubo malayo sa iba pang puno. Lumago siyang matibay, mataas at mabunga ngunit nag iisa.
Isang araw, isang lalaki ang nagawi sa dako ng puno habang naghahanap ng pagkain.
"Kumusta kaibigan! Masaya akong makita ka! " pagbati ng puno. "Halika, nais kong marinig ang iyong kasaysayan" paanyaya ng puno.
"Paumanhin ngunit wala akong oras para makipagkwentuhan. Ako ay gutom at naghahanap ng pagkain" sagot sa kaniya ng lalaki.
"Kung gayon, pumitas ka ng aking bunga at iyong kanin habang tayo ay nag-uusap", mungkahi ng puno.
"Kung gayon, pipitas ako ng madami sa gayon mabigyan ko ang aking mga kasama" sabi ng lalaki.
"Ngayon may pagkain ka na, sabihin mo sa akin kung anong mayroon sa dakong paroon"
"Hayaan mo muna akong dalhin ang mga ito sa mga kasama ko" sabi ng lalaki sa puno. Umalis nga ang lalaki dala ang mga bunga ng puno.
Matapos ng ilang araw ay muling bumalik ang lalaki.
"Kamusta kaibigan! Sabik na akong makausap ka" pagbati ng puno sa kaniya.
"Paumanhin ngunit wala pa akong oras sapagkat naghahanap ako ng ipangsusuyo sa aking kasintahan." Wika ng lalaki.
"Kung gayon, kunin mo ang mga bulaklak ko. Sapat ang halimuyak nito para mapaibig siya sa iyo."
Kinuha nga ng lalaki ang lahat ng bulaklak at dalidali umalis para suyuin ang kaniyang kasintahan.
Matapos ang ilang panahon ay bumalik ang lalaki. Nasasabik na bumati ang puno, "kamusta kaibigan, masaya ako na nagbalik ka para makipagtalastasan sa akin"
Subalit nagdahilan muli ang lalaki, "gustuhin ko man makipag-usap sa iyo ngunit ako ay puspos ng bagabag dahil ang aking sanggol ay may sakit".
Muling umalok ng tulong ang puno, "kung gayon, kunin mo ang aking dahon, mabisang gamot ito sa may sakit".
Kumuha nga ang lalaki ng mga dahon at iniwan ang puno na lagas na.
Bumalik ang lalaki sa panahon ng taglamig at lumapit sa puno. "Magsasaysay sana ako sa iyo ngunit ang lamig ng panahon ay nagpapahirap sa akin. Maaari mo bang ibigay ang iyong mga sanga para magamit kong paningas ng apoy" sabi ng lalaki.
Masayang sumang-ayon ang puno para tumulong sa lalaki sa gayon makabalik ito sa tagsibol na masigla at masaya na makipag-usap.
I already gave up
I am ready to disappear
But you brought a smile on my face
You gave me strength to become an ace
You raise my will to continue my race
Day by day I always pray to share my days
To pass my strength just like what you did
But I guess
I was too weak to fulfill this wish
But let me join you and hug you there
Let me hear your voice and let us sing a praise
To be with you and talk to you
So let me see you there and allow me to say
Thank you
Sino nga ba ang mag aakala na siyang nagbibigay ng takot ay nagbibigay ngayon ng lakas ng loob.
Sa unang pagkasilay, pangamba agad ang naramdaman. Pagitan ay pinapanatilihan at tunay na iniiwasan. Lahat ay handang kausapin huwag lamang siyang kausapin. Kung may pagpipilian ay hindi siya ang lalapitan o kung dumating man ang araw na kinakailangan siyang kausapin, bakit ko siya kakausapin?
Oh mandarayang puso na nagpaparamdam ng takot mula sa hindi kilalang tao. Bakit ka nakadarama nito sa taong hindi gumagawa ng kahit ano? Bakit ang takot na nagmula sa nakaraan ay muling ibinabangon para lamunin ako? Bakit mo ako hinahagkan sa tuwing nakakasalamuha ng hindi kilala? Bakit ka nga ba natatakot sa kanila na may bitbit ng sandata? Kung hindi naman sila gumagawa ng masama bakit inuunahan mong mangamba? Nalalaman ng isip ko na wala akong dapat ikatakot ngunit natatakot pa rin ako. Oh puso na nakadarama ng takot kailan ka mawawalan nito?
Narito, siyang pinakatatakutan ang siyang naging panibago kong puno. Ang iniiwasan ay siya naging aking dako. Paano ako hihinahon o paano ako babangon? Kung ang puso ay tuluyan nang sumabog sa pangamba, masasabik pa bang gumawa sa dakong kinaroroonan ng kaba? Nais kong umiwas at nais kong lumayo. Ngunit sa aking paglayo ay haharap din sa panibagong takot, sa lugar na hindi kilala at puno ng mga hindi kilala. Kung hindi maaaring lumayo sa pinanggagalingan ng kilabot at kung bahag ang buntot sa pagharap sa takot, kung magkagayon, bakit hindi yaong sisidlan na naglalaman nito ang gawan ng kirot baka sakali ang takot ay mabaon sa pagkalimot. Kung sa nakaraan ng sisidlan nagmumula ang takot anong kinalaman ng kinudlitang puno? bagaman siya ang sanhi sa pagkabuo muli ng takot ay wala siyang pananagutan dito. Narito, napuno nga ng takot ang sisidlan mula sa kaniyang pinaglalagyan na tahanan, takot sa kaninyang puno sa dakong kaniyang pinaghahanapbuhayan, sa tungkulin na dapat niyang magampanan at sa kaniyang sariling pagkatao na naghahangad maging perpekto. Hindi nagkasiya ang takot sa sisidlang hamak kaya naman tuluyan itong nawasak. At ang takot ay nawala ngunit nag-iwan ng lamat.
Silang hinangad na makaunawa ay hindi nakaunawa, silang inaasahang makatutulong ay lalo pang nanira, at siyang panggagalingan sana ng gaan ng loob ay nagdala ng bigat ng loob. Yaong inaakalang kasama ay hindi pala kasama. Ngunit yaong inaakalang hindi bahagi ang siyang bumahagi.
Nawasak na ang sisidlan at hindi na maaring igiban sapagkat hindi na mawawala ang naiwang lamat. Ano pa ang ihaharap ng sisidlang may sugat? Ano pa ang kaniyang aasahan kundi ang araw ng kaniyang pagkawasak. Wala na siyang laman at wala na siyang kasamang gumawa bagkus sila pa ay patuloy na naninira. Mag isa na lamang at karapatdapat lang.
Ngunit sa kabila ng tila walang kabuluhang paggawa ay mayroong natuwa. Siyang pinanggagalingan ng takot ay nagbigay ngayon ng saya, na para bang may nagawa akong kadakidakila. Muling nakadama ng saya na makapagpasaya. Bakit siya ganito? Bakit dalawang simoy ang lumalabas sa punong ito? At nang lumalaki na ang lamat sa sisidlang hamak na kaunting sandali na lamang para mawasak ay tinapalan ng papuri ng punong tiyak. Kaunaunahan. Ang pagmamalaking ito ay nagpalakas ng diwa ng sisidlang malapit nang bumagsak. Bakit pa sa pinanggalingan ng takot ay may nakukuhang pagpapalakas? Bakit tila lumalakas ako kahit mayroong takot? Narito, nagsisi ang sisidlan, nahiya sa kaniyang sarili kung bakit takot ang nadarama sa punong ito. Ngunit hindi niya mabago ang kaniyang puso. May paghanga man sa puno ay naroon parin ang takot kapag nakalalapit dito. Kaya mula sa malayo ay magmamasid ng walang kibo at pipiliin ang sa ikatututo. Baka sakaling ang basag na sisidlan ay sibulan ng halaman at maging gaya ng punong hinahangaan. Kaya naman bakit aatras kung natatakot? Sino ba ang hindi nakaramdam nito? Kung mayroon sisibol sa sisidlan kahit natatakot ay mas mainam na kung para sa paglago. Baka sakali sa paglago ang takot din ay maglaho. Hindi nga siguro lahat ng kinatatakutan ay sa ikalulugmok sapagkat sa pagkakataong ito ay nakababangon ako. Unang una sa tulong ng Nagtanim sa punong ito. Hindi ko man tiyak kung ano ang maaaring sumibol sa kalagayan kong ito. Ngunit ang tiwala ko ay makababalik ako sa dating ako, hindi, sa mas mainam na ako. Na kayang humarap sa takot at maging sa nanira sa dating ako na may pagibig at ligaya na hindi nakasalalay sa kung sino.
Ang kalungkutan ay nararamdaman ng buong katawan. Umuubos ng kalakasan at nagdudulot ng karamdaman. Walang dapat ikasaya at walang dapat ipagdiwang. Ang naghilom na sugat ay nag-iiwan ng bakat. Ngunit ang sugat sa puso ay higit sa lahat. Kung paanong ang sugat sa katawan, isipin man na hindi masakit ay nananatiling masakit. Kahit pilit kalimutan ang sugat ang hapdi ay naroroon parin. Ang sugat sa kalooban ay nananatiling masakit, minsan ay nagpapamanhid, minsan ay nanlulupig at sa kaloob-looban ay nagtatago ang pag-ibig. Sa bawat bahagi ng katawan ay nararamdaman ang pagluha ng walang katapusan at tila hindi mauubusan ng lumbay ang pinanggagalingan. Ang naghaharing takot ay ayaw magpatulog, kumakapit ng mabuti baka magpakahulog, sa hinahangad noon baka hindi na makabangon ngayon.
Kung paano ang paningin sa gabi ay iba sa umaga ay gayon ang tingin at pag-unawa. Ang kalumbayan na tila kamatayan habang nabubuhay sa mata ng nadidiliman ay pag-akay sa naliwanagan. Sa paningin ng nawalan ng pag-asa ay kalungkutan ang lahat ngunit sa isang mayroon nito lahat ng bagay ay may itinuturo. Sa labis na kasiyahan ay walang humpay sa pag-indak hindi namamalayan napapaibang landas. Tanging kalumbayan ang nagpaiwas sa malapit na pagbagsak kung hindi napigilan sa matayog na paghalakhak. Ang kalumbayan ay hindi maiiwasan kaya siya ay aking kinaibigan sa gayon kami ay makapagtulungan at masusing naming pag-isipan ang bawat desisyon sa buhay hanggang sa dumating ang panahon na siyang kalumbayan ay mayroon ng kasayahan. Ang kalumbayan ay hindi masama kung mananatiling may pag-asa na sa kinalaunan ay magiging masaya.