Monday, June 1, 2020

Never Fall In Love: Wholeheartedly


"Alam kong maganda ako pero bakit ako single? hindi ako crush ng crush ko"

HINDI AKO CRUSH NG CRUSH KO

"Ako si Lora, isang business admin student ng Aurora College. Bakit business admin dahil yun ang gusto ng daddy ko. Hindi daw nakakapagod at para maging katulad niyang businessman. Infairness, hindi nga nakakapagod pero nakakaloka sa dami ng math subjects."

Nag-aayos ng kaniyang sarili si Lora para sa muling pagsimula ng kanilang klase. 

Lora's point of view

"Lahat naman tayo dumadaam sa ganitong moment ng buhay. Yung may nagugustuhan kang tao kahit na hindi ka niya gusto. Minsan nakakawala ng pagasa at tiwala sa sarili. Alam ko naman na hindi ako kagandahan, sinasabi ko lang sa sarili ko na maganda ako to boost myself esteem. Pero sa totoo hindi ko rin alam kung anong katangian ang maganda sa akin. Madalas kasi tahimik ako sa classroom kaya mukha akong maldita. Pero maldita talaga ako sa mga may attitude na tao. Kaya paano nga naman ako magugustuhan ng crush ko."

Natapos na si Lora sa pagaayos ng kaniyang sarili at sumakay na sa kanilang sasakyan para magpahatid sa school. 

"Pero di bale na. Ang mahalaga naman nakakasama ko siya. Hindi rin naman niya ako mapapansin dahil busy yun sa work. Student assistant kasi siya dito sa school. Ang galing diba. Nagtratrabaho siya para suportahan ang kaniyang sarili at makagraduate. Para sa future. Napaka responsableng lalaki. Nagaaral ng mabuti. Matalino nga e. May itsura naman siya kahit payat mukha nga lang nakakatakot. Para kasing suplado sa umpisa pero ngayon ang epal na niyang kasama. Sarap sapukin. Lagi nalang bwisit sa buhay ko."

"Sa ngayon masaya na ako na magkaibigan kami. Malay natin isang araw sa future mapansin niya ang kagandahan ko, I mean mapansin niya ako kung I will make myself better ngayon. Kaya ginagamit ko yung hindi niya pagkapansin sa paramdam ko as inspiration para pagbutihin ko pa lalo. Kahit bobo ako sa math. Di rin naman siya ganun katalino dun kaya, patas lang. Pero nagpapakabait naman ako kahit pano sa araw araw. Tas kapag may sinasabi naman siya, nakikinig naman ako, though paminsan minsan hinahampas ko siya kasi madalas siyang nangangasar. Hayyys ganito pala kapag may crush. Gusto mong maging better para sa kaniya at syempre para din sa sarili ko. Maging crush man niya ako o hindi, para din sakin ang ginagawa ko."

Bumaba ng sasakyan si Lora at pumasok sa school building.

"This is it, panibagong school year na naman. Hayys ayaw ko na mag-aral, mag-aasawa na lang ako ng mayaman" 

"Hoy Lora! Nananaginip ka na naman ng gising. Tara na pumasok na tayo para tabi tayo uli" Sabi ng kaibigan niyang si Marijoy. "Sige ba" sagot ni Lora.

"Yan si Marijoy, ang kaibigan ko na walang sawa sa pagsuporta"

Pumasok nga sila sa loob ng silid at naghanap ng mauupuan.

"Huwag tayo jan, row 4 yan. Mapaghahalataan tayong mga bobo niyan." Sabi ni Lora kay Marijoy.

Pumasok naman ang isang lalaki na agad bumati sa kanila. "Aba ang aga nila, bagong buhay?" "Ang kapal mo naman, hindi naman kami na le-late noon" sagot ni Lora sa kaniya. "Oo nga, baka yung boys at the back" hirit ni Marijoy.

"Yan si Kino, kaibigan ko din yan at kahit ganyan yan, mabait naman yan." 

Pumasok ang isang lalaki. 

"Yan naman si JM, ang pinaka epal sa buhay ko." 

Lumapit ito sa kanila. "Oy musta" "bakit na naman?!" Sagot ni Lora. "Ang aga mo naman magmaldita. Nangangamusta lang" sagot nito. "Ikaw, kamusta na. Tumataba?" Bati ni Keno. "Tumataba ba?" Nagtatakang sagot nito. "Dito na kayo sa harap namin pumwesto para magkakatabi tayo." Mungkahi ni Marijoy.

Nagsipasukan narin ang iba pa nilang kamag-aral at nakamustahan ang bawat isa. Pagbukas ng pinto ay nagsitahimikan ang lahat at parang mga ninja na nagsibalikan sa kani-kanilang upuan ang bawat isa nang makita nila na ang kanilang guro ang pumasok. "Aba ang bibilis niyong kumilos. Lalo na kayo boys at the back. Kanina pagsilip ko nakatambay pa kayo tsk tsk baka puro ligaw na lang inaatupag niyo." "Walang ganun dito Ma'am!" "Mababait po kami" "guys, ano ba ang ligaw" at kung ano ano pang komento ng mga boys at the back. "Single pa po kami" "Para kayo Ma'am, single pa din" "Anong sabi nyo?! Jan kayo magagaling. Hala sige. Mag short quiz tayo baka nakalimutan niyo na ang management 1." "Pambihira! Sino ba kasi nagsabi nun" "ayan kasi, ginalit niyo si Ma'am"

"Hayys, yan si Ms. Chin. Parang tropa lang namin pero strikto din paminsan minsan"

Pagkatapos ng madugong klase ay dumiretso agad si Kino at JM sa front line upang magtrabaho bilang student assistant.

"Ganyan halos ang kanilang araw araw na buhay. Pagkatapos ng klase ay diretso agad sa marketing office para gawin ang trabaho nila" bulong ni Lora sa kaniyang isip.

Lumapit si Marijoy sa frontdesk at niyaya sila Kino at JM. "Sabay na tayo kumain mamaya" "oo nga, fist day of school, baka naman" dugtong ni Lora. "Bakit, miss nyo ba ako?" Sagot ni Kino sabay tingin kay JM. "Ikaw JM, sabay ka daw mayang lunch" "baka hindi muna, first day of school maraming mag inquire dito need nila Ma'am Cho ng tatao dito."

"Madalas talaga hindi namin nakakasabay sila na maglunch. Pero bago magklase dun kami uli nakakapagusap." sa isip ni Lora. "Yayain nalang natin sila Raceline".

WALANG ORAS

"Busy ako, wala akong time ma-in love"

"Ako si Kino Bautista, sa panahon ngayon, halos lahat ng kabataan mayroon nang kasintahan, pero ako eto. Single. Bakit ako single. Busy ako sa work. Wala akong time para makipag jowa. Kailangan kong magtrabaho para masuportahan ang aking pagaaral. Mapalad na nga ako at natanggap ako bilang student assistant kahit papaano maalwan dahil hindi na ako lalayo ng school. Minsan naiisip ko kung mayroon akong oras para main love. Magkakaroon kaya ako ng kasintahan. But I rather stop thinking about it since sayang ang oras sa pagiisip ng isang bagay na hindi naman mangyayari. Mas mabuti na magfocus ako sa pagaaral ko at pagtratrabaho. I know one day, God willing, na matapos ko ang kursong ito magkakaroon ako ng sapat na oras para gawin ang mga gusto ko habang sinusuportahan ang pamilya ko. Kailangan ko lang magtiwala at gawin kung ano lang ang magagawa ko sa ngayon

BAWAL

"Ayaw ni daddy na magkaroon ako ng jowa. Mahigpit niya akong pinababantayan sa aming driver. Komo makakasagabal sa pag-aaral, akala mo naman makaka graduate ako. Ayaw niya lang akong masaktan, dangerous sa heart. In short, bawal ang magmahal"

KAIBIGAN KO SIYA

Kino's POV

"Paano ko ba sasabihin na may gusto ako sa kaibigan ko na hindi maisasakripisyo ang pagkakaibigan namin. Ayaw ko siyang mawala kaya ayaw kong isugal kung anoman ang mayroon sa amin sa pag-amin ng nararamdaman ko"

HINDI AKO KARAPATDAPAT

"Pwede ba akong ma-in love?"


"Ako si John Michael Berhel, JM for short. Bakit ako single? Dahil hindi ako karapatdapat magkaroon ng kasintahan."

"Sa kalagayan kong ito, pwede ba akong magmahal? Pwede ba akong magkaroon ng kasintahan?"

Si JM ay mula din sa mahirap na pamilya. Nakakapag-aral siya dahil naging scholar siya ngunit may miscellaneous pa rin na binabayaran. Mabuti na lamang at naanyayahan siya ni Kino na mag student assistant para may mapagkukunan siya ng pambayad sa school. Dito narin siya kumukuha ng panggastos nila sa araw araw sapagkat umaaasa lamang ang kaniyang pamilya sa 4P's na nagmumula sa gobyerno. 

"Gaya ng ibang tao, may nagugustuhan din ako. Kaya lang, wala naman akong maipagmamalaki sa kaniya. Hindi ako ang ideal guy para sa kaniya"

"Minsan iniisip ko, ano kaya kung magtapat ako sa kaniya para lumawag ang aking dibdib. Kaya lang nagpipigil ako baka magkaroon ng awkwardness sa pagitan namin kapag nalaman niya. Ayos lang naman sa akin kung di niya ako magustuhan, nauunawaan ko naman kung bakit, kaya hindi ako nag eexpect. Una hindi ako kagwapuhan, wala akong pera gaya ng iba, hindi ako yung tipo ng lalaki na maipagmamalaki kaya alam ko na malayo ako sa gusto ko. Pero yung mawala pa ang pagkakaibigan namin ang pinaka ayaw kong mangyari. Kaya pinili ko na lang magmahal ng lihim. Masakit man, wala naman mawawala sa akin. Ngunit hindi rin ako magkakaroon."

Minasdan ni JM ang larawan ni Lora.

"Nagustuhan ko siya sa unang kita ko palang sa labas pa ng school. Nung minsan nagawi ako sa isang coffee shop, nakita ko siya na kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hindi ko naman maipagkakaila na nagandahan ako sa kaniya. She stands out sa crowd. Maganda ang porma niya. Ewan pero dun pa lang may tuwa na akong naramdaman. Kaya nga lang. Ano ba naman ako para magkagusto sa taong ito"

Sumakay ng bike papuntang school

"Hindi ko lubos maisip na magiging kaklase ko siya at magiging kaibigan pa mula nang makita doon. Hindi ko alam kung nagkataon lang pero masaya naman ako sa nangyari. Mas lalo akong nabighani sa kaniya hindi dahil sa taglay niyang ganda kundi dahil sa kabutihan ng kaniyang puso. Siguro nga may pagkamaldita siya. Pero sa panglabas niya lang yun. Sa loob niya makikita mo na mabuting tao siya. May takot sa Dios at magandang pananampalataya. Nakaka inspire din siya. Kaya nga naencourage ako magsulat sa klase dahil nakita ko siya na madalas na nagsusulat sa tuwing nagdidiscuss si Ms. Chin."

"I am becoming a better person dahil nagiging inspirasyon ko sya. At sa tuwing humihinginsiya ng tulong, ginagawa ko talaga ang best ko dahil deserve yung pinaka best. Yung tula at yung sample research. Gusto ko talaga ibigay ang best ko dun kaya lang nakakainis ang mga kagrupo niya na hindi karunong makisama.

-6- LAMAN NG PUSO

-7- BAHAGI NG BUHAY

-8- PUSO

-9- AMINADO

-10- HARANA

-11- OO O HINDI

-12- PAGSINTA

-13- MAHINANG PUSO

-14- HANAP PUSO

-15- MANGGAGAMOT

-16- 

Ipagpapatuloy...

No comments:

Post a Comment