Libre lang mangarap kaya taasan mo na. Libre lang mangarap kaya damihan mo na.
Hangad ng bata ay simple lamang ngunit sa kanyang pagtanda ang hangarin ay unti unting nawala.
Sa murang edad ay natuto nang maghangad ang munting kaisipan na uhaw sa karunungan at puno ng pagasa at liwanag. Mga mumunting nilanglang ay pumupukaw ng paningin at umaakit ng pagmamahal sa akin. Oh kay sayang makilala ang iba't ibang uri nila at alagaan ang bawat isa sa kanila. Akin silang mamahalin at gayon din sila sa akin sapagkat ako ay magiging tagapagingat ng mga mumunting hayop.
(O ano itong naisip ko, mahilig ba talaga ako sa hayop? Ni wala nga akong naging alaga sa buhay ko, ni marunong man ako magalaga ng kahit mumunting hayop. Naghangad ako noong bata ng isang bagay na hindi ko makukuha. Hindi ko pa nalalaman kung gaano kabigat magaral, ni hindi ko pa alam na hindi naman pala ako makapagaaral. Kakatuwa na naghangad ako maging manggagamot ng mga hayop at ano ako ngayon, napakalayo maging mangagamot.)
Kaya narito, naging mabuti na lamang sa mga hayop dahil kailanman ay hindi magiging manggagamot.
Kung may pangarap pa dito sa lupa ito ay magbigay saya sa iba marahil magbibigay saya sa may akda at mabigyan buhay ang mga likha. Ngunit natutupad ba ang mga ito?
Isa pa sa pangarap ng nilalang ay ang makasama ang sa kaniya ay lumamang. Hindi dahil sa walang kasayahan dito sa lupa kundi ang kaligayahan kasama Siya ang tunay na saya. Dito ay may lungkot na pumapalibot kahit sa puso ng isang musmos. Dito ang tunay na kaunawaan ay hindi naaabot; walang sinoman ang nagkakaunawaan sapagkat ang puso ay malihim at mahiwaga. Maging ang nagmamayari ng puso ay hindi lubos matarok ang kalaliman nito kundi Siya lamang na may likha nito ang makakaabot ng mga bagay na natatago dito. Kaya ang pinakapangarap at natitira pang maaaring maabot ay ito: . . Ngunti kung kailan o kung paano ay hindi ko nalalaman sapagkat hindi ako ang tutupad nito, ang magagawa ko lamang ay idalangin ito na dumating bago lagpasan ang bilang ng isang buwan o lagpasan ang edad sa laman ng aming pinakapanganay. Mainam nga sana ang maging pataba sa lupa kahit hindi naman mataba, mapakanibangan man lang ng namumungang puno hanggang sa huli kong abo, o kundi man malagim ang maging pagkain ng mga nilalang sa tubig maaari din pangyarihin sa gayon sa huli ang katawang patpatin ay pakinabangin. Maaari din gawin kamanghamangha ang huling hininga gaya sa pelikula, sasalo ng bala o magliligtas ng masasagasaang bata. Laging handang ibuwis ang buhay para sa taong minamahal. Naligtas na siya at ang tanging pangarap ay natupad pa. Ngunit ang mga bagay na ito ay malayo sa katotohanan at malabo maisakatuparan. Maging alagaan ang karamdaman ay hindi bahagi ng pagpipilian sapagkat ito ay pinagbabawal. Sa huli babalik sa naunang paraan nang ang pangarap ay maisakatuparan. Narito, ang bawat bagay ay natatapos pagkatapos matapos ang kaniyang katungkulan. Kung magkagayon, kinakailangan lamang matapos ang naiatang na tungkulin para pagpahingahin. At kung paanong ang hanapbuhay na may dobleng kayod ay natatapos ng mabilis gayon din ang tungkulin ng buhay kung aagapang gawin at sasamantalahin. Sapagkat wala nang pangarap ang maaari pang maabot kundi ito kaya ang bawat kilos at takbo ay patungo dito. Hindi mapipigilan kahit hindi maunawaan. Magpapatuloy sa mabuting gawa hanggang Siya ay maawa at ipagkaloob ang matagal nang hangarin. Ang piniling kudlit.
No comments:
Post a Comment