Saturday, January 22, 2011

GAME OF YOUR NAME

We are man looking for “J”; joy I mean. Kaya niman I made this letter. Sana lang mapasaya kayo nito. Hop he like it, becoz I med ith parai zenio, prai sayo, pra sa acen, para sa kania, parai sa mai gusto, pera sa may-ari, za curious lang at sa lahat. It’s fri! tzomodachi! This letter es a challenjing game. It ruined my mind. An “I case” intellegent case I guess; that may ruin your mind too. Wanna play, want to try and be an explora?! Reajy nab a kayo? for we are neym lukers here. Ako, ikaw, kau, tau, sya. Ready k nba? Actwally, it’s easy to play. Ya! But u need to read karenfully and listen empirically. Veru well, you justi need to seek ar local names: ur name or nicknames and other names. Do not matter the speling becass I’m tired to spell it out. Pero the jimportant is d sound. Basta baga katonog ng pangalan mo, jun nay un! Ang kaso, some of jhem nkaspell n ng tama; jen ung iba wrong spelling en wrong sound. Peo if u read it in bernacular, eh name pla. Enjoyable to at jan po lahat makikita kung jano mo kalove ang name mo at name ng iba. Natintindihan nah po b? simpol dba. Kaya yan, kering-carry, ken yu do it? Let’s find na! May sujessions and tips lng aq senio. You just need to mark a leletter den follow with the adjacent letter en so on. Medjo ang hirap lng but it could find names more gradual. If u r trying to find those names in their spelling. If u ar looking for names in sound, jas slowly read de word by shillable. So u can be able to undrestand wat yu are reading. If ayou do these, u can find ol of da names heri and beat my challenj esilly. Gueno, I challenje you, I deal and reward you. I will rob earth, venus jupiter, neptjun, etc for you. If you found all. Pero seyempre joc-joc lang yon. Though, I guis seldom of the readers found atmoest elaven, more or less, lima. How about you, ilan ni nakta mo? Kung magaling k? A really good en ispelling or have a clear hearing. Ar you good in abc or abakada, do you really have a great sight, can your eyes see what I can see? Show me, deal with me! Now, I well ask you ajane, how many names have you find? Zero? Lowery dan jero? Win or lose, yes or no? sa reming names dito its imposible foro you to get zero. Perhaps u alredi found out wer is your name. if not, how ar dis letters? Qng ala parin, check mo uli. My friend, take it gradually. This jaym is trying yur patience and your mind; like a test. Nakaduduling dba. Oo, nakaka bc. Deep in side di na boring. Cnusubok lng ang talino mo. While reading misspelling words(in a text format), you are looking for names and jen you listen to its sound at je sem time. Your eyes, ears and mind are funchuning. In short, it sharpen ur mental skills. In addition, if u trust yourself you can find more names. And dats gud for thinkers. For feelers layk ime, it’s a big ailing game. It has a sentimental value; coz they can giv importance to their friends. Thinc ar love one’s name, f u care of dem you vill try your best to find it, showing how u love dat person, na kht s name lang u look for them as jhey are special. Finally, for the last paragraph, I want n marialize mo ang significance nito. It doesn’t jast make u dul, certainly it has a bhig reason; a criticisim on ur part. As u can exprience its chard to look for neymi and logically speaking, wat more to make a letter like des. You may know ur name but u donot know hu yua rielly r? wer u r and what you are for? You found your iname but urself still missing. But thru wanderstanding ur feelings, asking ur soul, looking forward andi backward u can b eble to found urself. Moreober, I made dis for u. showing how Ir value you. Perhaps, dis is d emochonal part of this and you want to kat it off. Pero, sariosly its alright for me if u will not apprecyiate it; but I please, accept my katagotagong pagpapasalamat. Thank you ffor being my frend. I thank God for dis opportonity to inform u how much a ril emo care for u. na sa rarong ito ay nakalaro ko kau en nepaalam ang salooben ko… oh ano, nhnap nio nb lht? We are still pleying, sna nhanap mo lht ng name especially I wish, yu can start seeking for ur real self; not in physically, but emotionally en spiritually. I hope u halv veen convince n try sana ninyo. Salamat sa pagbasa.

BAWAT BAGAY AY MAY DAHILAN

Every single matter exists for a reason. Even the smallest ant live with a purpose and those green plants know the essence of their existence. You are greater than the ant and colorful than those plants. You have the greater purpose, a reason to live and duty of existence. Have you ask your hands why they look like that? Have you ask your eyes why they are reading this? Have you ask your mind why it keeps asking you? Because there is a reason. Bawat bagay ay may kahulugan, bawat tanong ay may sagot at walang nabuhay sa walang dahilan. Musmos pa lang ako ay marami nang tanong sa aking isipan, kaya nabuo ang awiting "Bakit Ganito?" (see My Songs page). Naghahanap ng mga kasagutan sa malawak kong mundo. Kung minsan nagtatanong na lang sa sarili ko at sumasagot din ang sarili ko, sapagkat wala namang sumasagot sa mga katanungan ko. Gayon pa man hindi ako naligaw sa sarili kong pananaw na sa ‘di kalaunan ay akin ding nauunawaan. Masarap maging musmos sa katayuan maraming kahanga-hangang bagay sa mata at kaisipan. Higit kung maging inosente ang isipan, na hindi nalalaman anomang kasamaan at tanging kabutihan lamang. Narito, ang taon ay dumaraan sa akin at nakikita ang pag-unlad ng mundo at pinaggalingan nito; kaya bawat bagay na nangyayari o mangyayari ay may dahilan sapagkat tayo ay hindi basta nabuhay para sa wala lang. Sa kabila ng nalikha tayo sa paggawa ng kabutihan at sumunod sa kautusan ay pumuri ng walang hanggan. Hindi baga tinadhana na ng kapalaran ang mabasa mo ang aking liham, upang sa karunungan ng Maykapal ay maalaman mo ang Kaniyang kadakilaan. Oo, tinakdang mabasa mo ito dahil may dahilan ang bawat paggawa. Narito, natututo ka sa karunungan kaniyang ginawa upang iyong maunawa ang dahilan ng iyong pagkalikha. Ikaw, nalalaman mo ba ang dahilan mo sa mundo? O patuloy mo pa ring hinahanap sa mundo. Ipagpatuloy mo ang pagbasa upang maalaman mo. Kay palad nga ng tao at siya ay nalikha sa wangis ng lumikha, Kung ikaw ay nagtataka magtiwala ka. Tao ka, wangis ka Niya. Kung anong mayroon ka, mayroon Siya; higit pa. Kaya’t huwag kang maniwala na sa unggoy ka nagmula na gayon kababa ang ating diwa. Ang karunungang ay kaloob sa iyo mula pa nang pagkabata upang hindi ka matulad sa ibang hayop na nilikha; na laman ang gamit sa paggawa. Tao ang katunayan ng Dios, oo, ikaw ang katunayan Niya; hanggat nariyan ang tao may katunayan Siya sapagkat nabubuhay ka dahil sa Kaniya. Hindi ka ba nagtataka na ganiyan ang iyong itsura? Dahil gayon ang mainam para sa iyo. Sa anong kadahilanang nailagay sa mukha ang mata? Hindi ba para Makita mo ang paligid mo ng mainam at hindi ka madapa. Pag-isipan mo at wala nang mas mabuting kalalagyan ito. Kung ilagay sa kamay ay matutusok ng daliri ang mata, kung sa batok paano ka maglalakad ng patalikod? Kung sa tiyan paano makikita ang ibabaw? Naiisip na ng Dios iyan bago mo pa maisip ang bagay na iyan. At kung bakit walang mata sa likuran natin ay dahil sa tainga, pinupunan ng tainga ang kakulangan ng mata at gayon ang dahilan ng tainga; ang madinig ang hindi nakikita ng mata. Gayon kalalim ang dahilan ng kinalalagyan ng mata. Hindi baga’t bahagi mo lang ang mata? Kaya’t higit na may dahilan ka sa mata. Pag-isipan mo, nalikha ang mata para pag-ingatan ka, ganyan kabuti ang kanyang dahilan, pag-ingatan ang may mas malalim pang dahilan; ikaw. Ikaw na tao, ano ang iingatan mo? Anong mabuting gawa ang gagawin mo? Hindi baga ito ang tunkulin mo? Ang dahilan mo sa mundo ay maging mabuting tao… 
 Katulad na lamang ng mga kakatuwang bagay na nakapaloob sa kapalaran na sya lamang ang nakakalam. hindi baga't nakakatuwang bagay na may kakilala kang John Paul sa lahat ng iyong puntahan. Mula pa ng ako ay bata hanggang ngayon ay nakakakilala pa nga. John Paul ang pinsan kong malapit sa puso ko at John Paul din ang kaibigang mahal ko. Kakatuwa diba, Peter ang kakulitan at nangangasar sa akin nang panahon ng aking kabataan, at Peter din ang espesyal kong kaibigan. Ganon ba talaga, kaibigan ni Karlo si Carlo at ang anak ng kaibigan ng nanay ko ay kaibigan ko. Hindi baga nakakatuwa na walang araw o linggo na lumilipas na hindi ko naririnig o nakikita ang pangalang Peter. Sadya o tinadhana na ang malalapit kong kaibigan sa aking puso ay ka-araw ko sa kaarawan; kung lunes siya, lunes din ako at hindi yaon magbabago. Ang mga taong malalapit sa akin ay may kapalit parin; kung may Abegail ako non may Abigail ako ngayon at kung may Leslie ako noon ay may Leslie ako ngayon. Maging ang mga pangalan sa aking isipan nagiging aking mga kaibigan; nakaisip ako ng pangalang Bryan Ryan Ian at ngayon ay may kaibigang Ryan Bryan pero Karl. Kahit yaong pangalang Abcdef na naglaro sa isipan, ngayon ay may tunay na Abcdee na walang f ang naging kaibigan. Magaabang na lamang ako sa mga katuparan pa ng ibang pangalan sa isipan ko. 
 Tadhana o Sadya? kung tadhana ang nagtakda may malalim na dahilan, kung gawa mo ang iyong kapalaran bakit may nangyayaring hindi mo alam at wala sa iyong inaasahan. Tinakda ang lahat kaya may dahilan, mayroon lamang pagpipilian. Nahahanda na ang pagpipilian sa isang tanong ngunit nasa iyo kung ano ang pipiliin mo; gayon pa man may tama at maling sagot. Tulad ng isang takbo, lumiko ka man, kumaliwa o kumanan nasa iyo ang desisyon. Ngunit iisa ang ang naktakda sa iyo, ang maabot ang dulo. Nasa iyo kung nasa mong manalo o matalo. May dahilan ang Dios sa lahat ng bagay at may dahilan din sa iyo na ibinigay... abangan

Tuesday, January 4, 2011

RESOLUTION?

This new year, vows were made and resolutions has been created; however, all are vain. What is the purpose of vow that will be broken and the essence of resolutions that can not be done. Let us not practice ourselves by words but learn through good works. Oh why these resolutions appear just right now, yet there are yesterdays - last year. Do resolution for wrong doings need to wait for new year before it does, oh isn't the day, that arises for us is new? yet for all days arose, it has been doing just right now? I can not understand the value of delaying such a good works; though, God has taught us that while we have that chance do good things. It is best to do than to vow.
Moreover, we do not need resolution if there is a solution, let us solve the situation and do not wait for resolution. On the other hand, our goal to change is difficult to achieve; although, with God's help and mercy we can achieve it. In faith and trust that God will do; if we will open our hearts and repent for our trespasses: promising trespasses will not be happen again, is a joy that we can make it through good goals of our hearts for the good change of our personality.

Friday, December 31, 2010

MY 2010

Last year seems yesterday, today is the end of the year and tomorrow is a new year. Days come so quick, those days within this year will be part of history that I do not want forget. Part of my past that I will write on my heart; for every month there were destinies to be drawn, for every week there were happenings that are special and for every day there were memories that will be treasured within my soul. Today I will reminish my year 2010. 
 January started thy memories such as: I met Mr. Robert and joined my first Career Orientation Seminar at Dr. Josefa Jerra High School- this introduced marketing department to me. My first Marathon I ever joined was happened on this month. 
 February memories united many things on my part. It continued those things I have started in January. My application on KFC while facing my situation. A reunion with my high school friends at Vinoi’s house and the First ACSAT Rocks at Marikina Sport Complex where I met Ate Des- that was so tiring day but joyful night, these were happened on this month. 
 March memories will remind me my despair and doubt. The month where I faced my real situation, however the month of my first year as a blessed boy of GOD- thanks be to GOD! The month of apologies and the month of renewal. The month when things were started: being a Student Assistant of Marketing Department, sitting at the front desk and aswering phone calls- credit card agents, touring students and flyering. The opening of feelings, perhaps, and meeting with my best friend carlo and the guy he calles, best... 
 April gave me first days of chances memories like: having my first swimming at morong with my brethrens; our first interview at ACSAT Masinag; printing of my second friends cube, my first text brigade using computer- reminding students and to market ACSAT, my first income as a student assistant via my first bank account and of course the day of special, buying my first cellphone and receiving my first text message. These first chances happened on this month. 
 May memories revealed many things such as: let my heart love and be fooled- though it was alright and yet a good memory and I still want to be friend of him...; the end of amity how I wish it never happened, though, I am happy now we were friends again- very hopeful (oh I just remember this was my first cry at ACSAT hahaha what a memory!). It was also the month of our first vote for National Election and the week of gap among us. The graduation of Isay and their renewal and of course, PhenThaygs anniversary.
June memories introduced many things like: my first meeting celebration of my best friend and narrating some stories. The month where Mr. Robert gave me hand towel and my first meeting with JP, Von, RE, Kei, Jayjo and all ACT2010 students plus LT and all CA students and my first caller on my phone- that was RBK.
 July memories created a smile on my face; for this month I met Cedrick, Ms. Ophel, even Errol plus having friendship with Princess and RV. I also gave my bookmark to my special friend successfully. Moreover, a successful program of Boardwalk Modeling and an unforgetable theater workshop for my friends. 
 August memories brought me victory for my wants: I have visited the house of my brother and friend: my once favorite RE, successfully performed our interpretative dance with my close friend and winning a simple awards in buwan of wika- a nice day that brought back friendship plus remembrance of amity and brotherhood. 
 September memories energized me by words of mouth: having a debate because of someone, corrected by my boss, seminar of memorization, selling and reintroduction of a declining product and receiving worst comment from my favorite; In addition, energized by receiving slippers from my Sis Jane and having food trip with Mr. Aries of Accounting Class. 
 October memories made my soul tired, this month had many activities such as: the ACSAT Concert at River Banks – what a day; Luao Party where Cedrick won the 3rd prize- that was a good night; ACSAT Open House a TY OT; defense, I mean, report of our marketing plan; our fishbowl or COS spiel training; a Saturday with Mr. Arman and a Halloween party, the debut of Abby where I dance her first time. 
 November memories made promises and loneliness: a promise of excellence for COS spiel training but loneliness by saying goodbye marketing; a swear to do my best on my job but sadness to have few working hours; a vow to thank God for everything but a disappointment on my day for failing my plans and breaking a company – though God made me happy by attending our KKTK Sport Fest. 
 December memories loaded me full, for having many activities such as: Youth Assembly that made a vow within my heart; having a party with BA and Criminology students, ACSAT-QC, ACSAT employees and Batang-SIKAP; and a success on giving bookmarks and cards to those people I value, in addition, winning for having thanksgiving to God! My God will bring joy again for the next year! Thanks to be to GOD!

Thursday, December 2, 2010

LIFE OF A POOR



How difficult to be a poor who carries the world? A poor who is far from his goal. The sun rises but he cannot feel. Regular meal is rare and temptations spread along the way. There is a desire to help, however, it will pull you down; such an additional burden. Oh it is difficult to be a poor. Even you try to think positive that this will not hinder you to achieve your dreams, you cannot keep believing. Even you try to ignore your problems, you cannot escape. Your feet will walk without strength. Morning and noon will fuse, night and afternoon will be the same and the whole day will be a darkest night. There will be no morning to come but an afternoon. Moreover, the day will think for upcoming tomorrow and yesterday will separate from the day of your life. The sun will lose its light in the house. The food will lose its taste in the mouth, cent will become a treasure and blade will be the last ace. That is the life of a poor.

PAHINGI NG TULONG SA MGA ULAP



May isang halamang ubas ang tumubo sa isang lupa. Nagkaugat at tumubo ng mainam. Ngunit ng matuyo ang lupa, natigil ang paglago. Naghanap ng makakapitan ang baging ng halaman; gumapang nga sa isang sampayan. Sa pagtaba muli ng lupa, sumibol muli ang halaman, ngunit sa lupa may rosas nang tumubo. Saan dapat ang halaman kukuha ng lakas upang tumayo? Sa lupaing tinubuan ngunit mayroon nang ibang halaman o sa sampayang kinakapitan na ayaw ng hanging kaibigan at ng sikat ng araw. Akong tubig ay naguguluhan, dapat ba siyang diligan Ngayon siya ay lihim pang gumagapang sa sampayan? habang nalilito kung kanino dapat magtumibay. Dapat ko bang pasukin ang lupa at magpahigop sa dalawang ugat o lalaksan ko ang pagbuhos para magiba ang sampayan? Sa nakakaunawang ulap, kailangan ng tubig nang kausap. Malaman ang nararapat. May mga taong sa mabababaw na dagat lumalangoy kaya’t paano nga sila makasisisid sa malalim? Anopa’t malulunod sila kung kanilang susubukan. Sino ngang tao ang makakaabot ng kalaliman ng karagatan? Mayroon ba o wala na nga?

Tuesday, October 5, 2010

IYAK NG ISANG MAGULANG


Anak ko, anong ginawa mo sa tahanan mo? Na bigay ko sa iyong sakdal at sa ikabubuti mo. Hindi ba ito naging mainam at naghanap ka ng bago? Bakit mo pinalitan ang lahat ng kagamitang ginawa ko para sa iyo? Tinanggal mo ang mga kasangkapan at gumawa ka ng sarili mong higaan. Ang kahoy na haligi ginawang mong bakal. Binawasan mo ang mga pamaypay at sinira mo ang bubungan. Hindi ba ito naging sapat sa iyong kailangan? Kaya nilubos mo ang paggamit ng bawat kasangkapan. Inuubos mo ang mga pagkain sa imbakan, maging ang alaga ko hindi mo binigyang kahalagahan, samantalang makakatulong ito sa iyong kabuhayan. Bakit mo pinahiram sa dayuhan ang iba nating silid-tanggapan at maging hardin natin hinayaan mong sila ang magpanatili ng kagandahan, hindi mo ba ito tahanan na aking bigay? Binigay ko sa iyo ang mainam na bagay ngunit binigay mo ang pamamahala sa iyong mga kapitbahay. Maging ang iyong mga kapatid hindi mo pinakinggan, nagkanya-kanya ng buhay at nag-aagawan pa sa aking kayamanan. Anak, ako ba ay minamahal ninyo o pinahahalagahan mo ba ang mga pamana ko? Dinalisay ko ang bawat bagay sa bahay ngunit hindi mo binigyang saysay. Pinaganda ko ang bawat sulok ngunit hindi mo tinignan. Hindi mo binigyang halaga ang pinaghirapan ng iyong ama at sinaktan mo ang iyong ina. Tinuruan ko ang iyong mga kapatid ngunit sa mga kaibigan mo ikaw nananalig. Ngayon ako sa iyo ay nagsasaysay, iyo ba akong pakikinggan? Ngayon ay bahala ka, ikaw ay mangamba sa mga darating na parusa. Tinanggal mo ang mga batong matibay sa mga upuan, maghintay ka sa mga pagbigay. Nabutas na ang bubungan at kaunti na ang mga pamaypay: bahala kang mainitan; bahala kang pasukan ng tubig ulan. Sige, huwag kang maglinis para buhay mo hindi manahimik. Ipahiram mo ang mga gamit at balang araw ikaw ay walang magagamit. Magpatuloy kang mangmang hanggang kamatayan at mainggit ka sa iyong mga kapitbahay. Iwan mo ang iyong kagalingan at kunin mo ang iyong kahinaan; sapagkat hindi ka marunong tuminngin sa iyong sariling kakayahan, saying ang iyong kasipagan. Sapagkat ubos na ang pagkain sa imbakan, ang iyong tiyan ay kakalam. Walang alaga kang masusumpungan sapagkat hindi mo pinahalagahan. Sa mga darating na araw, na iyong pang ipagpapatuloy ang kapabayaan sa aking bahay, ay aking kukunin nga at walang ititira.