Sa mundo ng mahika sinasakop ng malalakas ang mga mahihina. Kaya isang malaking digmaan ng mahika sa buong kasaysayan ang naganap. Bawat may kapangyarihan laban sa kapwa niya may kapangyarihan, upang manakop at huwag magpasakop. Ang may pinakamakapangyarihang mahika ang maghahari sa lahat ngunit sa nagdaang digmaan ay napatunayan na hindi lamang sa lakas ng kapangyarihan nasusukat ang pagtatagumpay kundi sa pagkakaisa kahit ng mahihina ay nagiging pinakamalakas.
KIYO AUTHORITY
presents
MAGIC 24
fictional story
E1 - Hindi magkadugong pamilya
Isang babae ang naririnig na nanganganak sa likod ng bakuran. Pagkaiyak ng sanggol ay isang liwanag ang umakyat sa langit mula sa dakong yaon. Maririnig ang dalawang mag-asawang matanda na dali daling lumabas ng kanilang tahanan patungong bakuran upang hanapin ang kinaroroonan ng umiiyak na sanggol. "paanong nagkaroon ng sanggol dito?" pagtataka ng matandang lalaki. "Hulog siya ng langit sa atin. Mayroon na tayong anak" wika ng kaniyang asawa. "Ngunit hindi natin alam kung saan galing ang sanggol na iyan" dahilan ng matandang lalaki. "Biyaya siya sa atin ng Dakilang Hari ng mga langit. Magpasalamat na lamang tayo na dininig ang ating daing na magkaroon ng anak" sagot sa kaniya ng matandang babae. "Sa bagay, wala naman ipinanganak na masama. Halina sa loob baka mahamugan pa ang bata" paanyaya ng matandang lalaki.
Isang pagtatanghal ang masasaksihan. Pinangungunahan ng isang salamangkero na nagpapalabas ng iba't ibang bagay mula sa kaniyang mahiwagang sombrero. Mayroon din siyang mahiwagang kahon kung saan napaghihiwalay niya ang katawan ng papasok dito. Kasama niya sa pagtatanghal ang isa pang salamangkero na babae. Siya naman ay nakakapagpalutang ng mga bagay bagay. Matapos nito ay after show na pangungunahan ng isang mahusay na mang aawit na nagbibigay ng kapayapaan sa nakaririnig nito. Mayroon pang iba't ibang pagtatanghal bukod dito gaya ng hand mime, knife throwing, lock magic at aerial dance.
Ilang panahon ang nakalipas, sa hindi kalayuang dako mula sa bayang yaon, ang bayan ng Igamon, ay may isang carnival na minsan lamang itinatayo sa tuwing may kapistahan. Dito nagtitipon ang iba't ibang manananghal mula sa iba't ibang dako. Sa carnival ay makikita ang iba't ibang uri ng pagkakatuwaan. May mga sasakyan at palaro, mga salo salong palabas, mga pakitang gilas at mahika. Kaya ang mga mamamayan ng bayan ng Igamon ay masayang nagpuntahan sa carnival lalo na ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng pagtatanghal ang mga totoong salamangkero.
Lumaki na nga ang batang natagpuan sa bakuran at isa nang binatilyo. "Ma! Kumain na ba kayo? Ipagluluto ko kayo" sigaw ni Heroco. "Huwag ka ng mag alala Heroco, anak. Nakakain na kami ng papa mo. Nandito nga siya na nagpapahinga" sagot ng kaniyang ina. Pumasok si Heroco sa kanilang silid. "Sigurado ba kayo na kumain na kayo?" Tanong ni Heroco. "Heroco, minsan na lang kung kumain ang matatanda. Pero ikaw kumain ka ng marami upang mas maging matipuno ka" sabi ng kaniyang ama na nakahigang umuubo. "Huwag mong kalimutan na diligan ang mga halaman" bilin naman ng ina. "Ayos ka lang ba ma? Parang namumutla ka" pag aalala ni Heroco. "Ayos lang ako anak. Hayaan mo. Bukas ay magpapaaraw kami ng papa mo" sagot ng ina.
Habang nagdidilig ng mga halaman si Heroco ay inanyayahan siya ng kaniyang kaibigan na pumunta sa carnival upang magsaya. "Heroco, tara pumunta tayo sa carnival. Balita ko masaya manood ng mga tanghalan doon" paanyaya ng kaniyang kaibigan. Ngunit tumanggi si Heroco, "naku, baka hindi ako makasama sa iyo. Kailangan ko pang alagaan ang mga magulang kong may sakit". Nalumbay naman ang kaibigan niya sa kaniyang narinig. "Sandali lamang tayo, silipin lang natin kung anong mayroon doon at bumalik tayo kaagad. Sige na, kailangan mo din lumabas ng bahay paminsan minsan. Lagi ka na lang nakakulong sa bahay nyo. Pamilit na paanyaya ng kaibigan. Pinagbigyan naman siya ni Heroco, "sige pero saglit lang tayo". Masayang marinig ng kaibigan ang sagot ni Heroco.
Pagpasok nila sa carnival ay niyaya kaagad ng kaibigan si Heroco sa mga palaro gaya ng darts at hagisan ng bola. Napapangiti naman ang kaibigan sa tuwing nakikita si Heroco na masaya.
Napansin naman nila ang isang tolda na pinipilahan. Naenganyo sila na puntahan ito. "Ano pong mayroon dito bakit pinipilahan?" Tanong nila. "Naku! Totoong mga salamangkero ang mga nandito. Mamaya ay mayroon silang pagtatanghal. Pero ang pilang ito ay sa mahusay nilang manghuhula. Ang sabi sabi, kaya daw niyang makita ang kapalaran mo at kahit masagot ang matagal mo nang tanong." Sagot ng isa sa nakapila.
Lalo pang naenganyo ang kaibigan ni Heroco, "tara pumila tayo. Mukhang nakakatuwang malaman kung ano ang magiging kapalaran natin." Napaisip naman si Heroco sa sinabi sa kanila. Baka sakaling matulungan siya na mahanap ang gamot para sa sakit ng kaniyang mga magulang.
Kaya naman sa pagpasok niya sa silid ng manghuhula ay agad siyang kinabahan. Malalaman na kaya niya ang sagot sa sakit ng kaniyang mga magulang. Isang babae na may bolang kristal ang nakita niyang nakaupo. Pinalapit siya at tinanong kung anong gusto niyang malaman. Sinabi nya na gusto nyang malaman ang gamot sa karamdaman ng kaniyang mga magulang. Tiningnan ng babae ang kaniyang bolang kristal, "wala akong makita. Baka walang sakit ang mga magulang mo?" Masungit na sagot ng babae sa kaniya. "Hindi ako nagsisinungaling. Madalas silang nanghihina at hindi na nawala ang ubo nila" paliwanag ni Heroco. "Hmmp kapalaran mo na lang ang titingnan ko hindi sa ibang tao" masungit na sagot nito na agad sinilip sa bolang kristal. "Pero hindi yun.." hindi natuloy ang sabi ni Heroco ng biglang parang lumipat ang isang anino mula sa babaeng manghuhula sa kanya. "Anong nangyare?!" Sinilip uli ng babae ang bolang kristal ngunit nagulat siya sapagkat nawalan siya ng kapangyarihan. "Anong ginawa mo!" Biglang namuti ang mata ni Heroco at bumagsak sa lupa mula sa pagkakaupo. Lalapitan sana ni Ruth ang babaeng manghuhula ngunit may nakita si Heroco na pangitain. Kaguluhan, pagkawasak, pagluha, kadiliman at di mapaliwanag na pangyayari ang nakita ni Heroco. Si Ruth ang mainising manghuhula ay may magic na divination, kaya niyang makita ang kapalaran sa kaniyang bolang kristal. Sa takot ni Heroco sa nakita ay agad siyang tumakbo pauwi na kinagulat at pinagtakahan ng kaniyang kaibigan na susunod na sana sa pila.
Napapasok agad sa silid ang kaibigan para magtanong, "Ano pong nangyari!?" Tanong niya kay Ruth na napaupo sa lupa na bumubulong, "bumalik na ang kapangyarihan ko".
Tutulungan sana siyang ibangon ng kaibigan ni Heroco, ngunit pinili ni Ruth na bumangon mag isa. "Hindi ko makita ang kapalaran ng kaibigan mo at wala din akong makitang gamot sa kaniyang mga magulang dahil wala akong makitang sakit" paliwanag ni Ruth na naiinis dahil di nya maunawaan ang nangyari. "Wala po talaga kayong makikitang gamot para sa kaniyang mga magulang" malungkot na sagot ng kaibigan ni Heroco. Naagaw nito ang atensyon ni Ruth ng sabihin nito na. "Matagal nang namatay ang mga magulang niya. Kasama sila sa mga natabunan nang gumuho ang bulwagan ng lungsod. Hanggang ngayon ay wala pa din makapag hukay doon." Malungkot na dugtong nito. "Sa palagay ko hindi kaya ng kaibigan ko na mapahiwalay sa kanila kaya kumakatha ang isipan nya ng mga bagay na hindi totoo. Sila lang kasi ang tumatayong pamilya niya. Ang pagkakaalam ko, inampon lang siya ng mag asawa."
Pagpasok ni Heroco sa kanilang tahanan ay agad nagsara ito ng pinto. Sumandal siya sa pinto na hinihingal. "Oh anak anong nangyari sa iyo bakit naghahabol ka ng hininga" tanong ng kaniyang ina. "Uminom ka muna ng tubig sa kusina" bilin naman ng kaniyang ama.
"Nagsasabi ng totoo ang kabigan mong si Heroco. Ang nakikita niya ay ang espiritu ng kaniyang ama at ina" paliwanag ni Ruth. Kinagulat naman ito ng kaibigan, "pero paanong nangyari yun? Ang bayang ito ay bayan ng walang mahika?" "Gaya ng sabi mo, inampon lamang si Heroco, maaaring ang tunay na mga magulang niya ay nagtataglay ng mahika" paliwanag muli ni Ruth. Ngunit sa isipan ni Ruth, "malamang yun ang dahilan kung bakit tila naagaw niya ang aking kapangyarihan panandalian." "Samahan mo ako sa kaniya. Ipapaalam ko muna ito sa aming ringmaster." Sabi ni Ruth sa kaibigan ni Heroco.
Pinuntahan nga ni Ruth ang silid ng kanilang ringmaster. "Ringmaster, may isang lalaki ang nagpahula sa akin kanina. Ngunit hindi gumana ang kapangyarihan ko sa kanya. Bagkus, tila inagaw niya ang kapangyarihan ko at lumabas ang mata ng Bozic family." Mula sa kadiliman ay nagsalita ang kanilang ringmaster. "Nakakapagtaka nga, paanong niya magagamit ang mahika na tanging pamilya ng Bozic lang ang makagagawa? Nasaan na ang lalaki?" Tanong nito. "Nang lumitaw ang puting mata ng Bozic family ay tila may nakita siyang pangitain. Sa takot ay napatakbo siya pauwi" paliwanag ni Ruth. "Gusto ko siyang makita, dalhin mo sya dito." Bilin ng kanilang ringmaster. Isang lalaki naman na kanina pa nakikinig ang nagsalita. "Kung gayon, sasama ako." Sumingit naman ang isa pa na lihim na nakikinig sa likod ng pintuan, na ang ngalan ay Espella na kung tawagin nila ay My. "Kung sasama si Ūri, sasama din ako" "wag mo kong tawagin Ūri" inis na sagot ni Uriah. Si Uriah ang masyadong malinis na salamangkero na nagpapalabas ng iba't ibang bagay mula sa kaniyang mahiwagang sombrero. Si Espella o My naman ang makulit na salamangkero na gumagamit ng mahiwagang patpat para magpalutang ng bagay. Sumingit din ang kasama ni My na nakikinig, na si Mikhain. "Hindi pwedeng hindi kasama ang pinakamagaling". Sumingit din ang isa pang nakikinig na si Theona. "Pwede din bang sumama ako" at natumba ang tatlo na lihim na nakikinig. Si Mikhain ang may mataas na tingin sa sarili ay may kakayahang magpalit ng anyo. Siya ang mapang akit na sireno at si Theona naman ang kanilang overthinker na Emcee na gumagamit ng magical items gaya ni Uriah. "Sige, samahan nyo si Ruth na dalhin dito ang binata. Ngunit kailangan nyong dalian sapagkat ang sentro ng bayang ito ay may antimagic spell. Kaya walang naninirahan na may mahika dito sapagkat pinawawalangbisa nito ang anomang mahika." Paliwanag ng kanilang ringmaster. "Kaya pala dito tayo sa pinakadulo ng bayan nagtatanghal" sagot ni Uriah.
Sinamahan ng kaibigan ni Heroco ang lima sa tahanan ni Heroco. Ang hiling nito ay matulungan ang kaibigan sapagkat nag aalala ang bayan sa kaniya. Simula ng mawala ang mga magulang nito ay tila kinakausap niya ang kaniyang sarili. At dahil hindi nila mahukay ang gumuhong bulwagan ay wala silang mapagluksaang.
Nang dumating sila sa tahanan ni Heroco ay nagtaka ito. "Bakit kayo narito?" "Heroco, nandito sila para tulungan ka" paliwanag ng kaibigan. "Paano nila ako matutulungan kung hindi nila alam ang gamot sa karamdaman ng mga magulang ko". Sumagot si Ruth, "hindi namin magagamot ang mga magulang mo pero ikaw ang sadya namin" "kung hindi nyo magagamot ang mga magulang ko, maaari na kayong umalis. Ayaw kong magkaroon ng ugnayan sa inyo." Inis na sabi ni Heroco na lumingon kay Ruth. Sumabat si Uriah, "wala nang gamot sa mga patay. Ang nakikita mo ay ang kaluluwa ng yumao mong ina at ama." "Hindi totoo yan! Hindi nyo ba nakikita sila?!" Sagot ni Heroco. "Hindi namin nakikita Heroco. Akala namin hindi mo lang matanggap. Ngunit mga kaluluwa na pala nila ang nakikita mo" sabi ng kaibigan ni Heroco. "Anong sinasabi mo Jun na hindi mo sila nakikita?" Pagtataka ni Heroco. "Basta ako na pinakamagaling, nakikita ko ang mga magulang mo " sabat ni Mikhain. Nabagot na si My kaya nagsabi, "bakit di mo na lang tanungin ang mga magulang mo. Balita ko nabagsakan sila ng gumuhong bulwagan." Agad napalingon si Heroco sa mga magulang. Nagpaliwanag naman ang kaniyang ina. "Noong una ay hindi rin namin maintindihan, akala rin namin ay buhay pa kami dahil nakakausap namin si Heroco" "ngunit hindi namin mahawakan ang mga bagay bagay ni makaalis sa tahanang ito. Doon namin naalaala kung ano nga ba ang nangyari samin" dugtong ng kaniyang ama. "Naririnig namin ang usap usapan sa labas. Tingin din namin ay mahihirapan tanggapin ni Heroco ang nangyari kaya minabuti namin na huwag nang ipaalam." Sabi ng ina. "Akala namin ay mawawala na lang kami ng biglaan. Ngunit ilang taon na ang nakalipas. Nandito pa rin kami." Sabi naman ng kaniyang ama. Napapaluha na lamang si Heroco sa kaniyang narinig.
"May dahilan kung bakit hindi makatawid sa kabilang buhay ang iyong ama at ina, Heroco. Kailangan natin malaman kung anong nangyari sa kanilang katawan" mungkahi ni Theona. Ngumiti naman si Heroco, "maraming salamat sa pag aalala ninyo sa akin. Ama. Ina. Ngunit pinalaki nyo akong matibay kaya makakaya kong tanggapin. Ipinapangako ko, tutulungan ko kayo. Sa gayon makapagpahinga na kayo. Ayaw kong nakikita kayo na nahihirapan pa." Paliwanag ni Heroco. Napangiti naman ang kaniyang mga magulang maging si Theona sa narinig. "Tara na pumunta na lang tayo sa gumuhong bulwagan para makabalik na tayo. Nakakabagot pala dito" reklamo ni Mikhain. "Malapit na tayo sa exciting part" natutuwang komento ni My. Sumunod naman lumabas si Ruth at si Uriah na tahimik lamang. "Sasamahan ka namin Heroco na mahanap ang kanilang katawan" sabi ni Theona sa kanya. "Salamat. Salamat din Jun at nanatili ka sa aking tabi kahit na ganito pala ang sitwasyon" pagpapasalamat ni Heroco. "Wala yun, magkaibigan tayo diba" sabay akbay ni Jun kay Heroco.
Pagdating nila sa dako ng pinagguhuan ng bulwagan. "Malalaking bato na may kataka takang bigat at tibay ang tumabon kaya hindi na namin nahukay" sabi ng taong nagbabantay dito. "Nakakaramdam ako ng mahika sa lugar na ito." Sabi ni Uriah. "Kaya siguro hindi nila mahukay" dugtong naman ni Theona. "Wag kayong mag alala. Nandito ang pinakamagaling!" Sabat ni Mikhain na nagkaroon ng magic circle sa kaniyang paahan at nagpalit anyo. Nasira ang kaniyang damit pambaba at naging isang centaur. Sinubukan nyang durugin ang mga bato gamit ang kaniyang paa. Ngunit protektado ng salamangka ang mga ito. Sinubukan naman paliparin ni My ang bato ngunit lumulutang lang ito at agad bumabagsak sa parehong lugar. Inihagis naman ni Theona ang pula at dilaw na balahibo. Nag apoy at nag labas ng kidlat ang mga ito. Ngunit walang tinupok ang apoy at walang sinira ang kidlat na anomang bato. Ibinaba naman ni Uriah ang kanyang itim na sumbrero at humugot ng pampasabog. Ngunit wala rin naging pinsala ang mga bato. "Mga magician pala kayo. Ngunit bakit hindi nyo rin masira ang mga bato?" Sabi ng taga bantay. Namangha naman si Heroco at Jun sa nasaksihan. "Ibang klaseng mahika ang nakalagay sa lugar na ito. Kailangan natin ng tulong ni Edgeon para mapawalang bisa ang sealing magic sa lugar na ito" sagot ni Ruth. Samantala si Mikhain at My ay patuloy parin sa pagsira ng bato kahit na wala naman epekto. Hindi tuloy alam ni Heroco at Jun kung mamamangha pa ba sila dahil sa makulit na pagpupumulit ng dalawa. "Ganyan talaga ang mga yan. Hayaan nyo na." Sabi na lamang ni Theona na nahihiya.
Muling ipinasok ni Uriah ang kaniyang kamay sa itim na sumbrero na tila may kinakapa. Mula doon ay may hinugot siya. Ngunit tila mabigat kaya tinulungan siya ni Theona at hinawakan ang sumbrero habang hinihila na ni Uriah gamit ang dalawang kamay ang nasa loob nito. Nakita naman ni My na tila nagkakatuwaan sila doon kaya tumigil siya sa pagsubok sa pagsira ng mga bato at hinatak si Theona. Akala din ni Mikhain na naglalaro ng hilaan sila. Bumalik sa pagiging tao siya na tanging ang kaniyang pulang panyo ang tumatakip sa kaniyang pang ibaba. Ngunit nahihirapan pa din sila sa paghila kaya tumulong din si Heroco, Jun at taga bantay kahit nagtataka si Heroco kung bakit walang saplot si Mikhain. Habang si Ruth ay tila napipikon sa nakikitang paglalaro ng mga ito.
Tatlong tao ang nahatak nila mula sa sombrero. Si Edgeon, si Wind at ang kasintahan nito na si Physilla. Tumilapon naman sila My at Theona. "Ang daya! Ang daya! Bakit ang dami nyo djan!" Reklamo ni My. "Nanalo kayo dahil kakampi nyo ang pinakamagaling" sabi naman ni Mikhain na nagmomodelo. Samantalang agad tumayo si Uriah at inayos ang sarili. Nagpagpag, nagsuklay at napasigaw nang may makitang dumi na ayaw matanggal sa puti niyang guwantes. Napapataas kilay na lamang si Ruth sa nakikita niya. "Kaya naman pala ang hirap hatakin si Edgeon, nakikipaghilaan pala tayo kay Wind at Physilla" pagod na sabi ni Theona.
Sa loob naman ng circus tent, nagtaka naman ang mga naiwan sa pagkahatak ng tatlo sa kawalan. Lumabas ang kanilang ringmaster. Isang bughaw na pusa na may makapal na bigote na napansin ang paggamit ng mahika ni Uriah. "Miladi pumunta ka sa sentro nitong bayan upang pagtibayin ang antimagic spell, samahan mo siya Aa". Si Miladi ang kanilang mang aawit na ang mahika ay enchantment at si Aa ay isang mime artist na may protection magic.
Samantala ang tatlong hinatak. "Nasaan na naman tayo" tanong ni Edgeon sa sarili. Palingon lingon naman si Wind nag biglang piningot ni Physilla. "Ano! Babae na naman ang hinahanap mo! Sabihin mo nambababae ka na naman!?" Si Edgeon ay isang lock magician, kaya niyang kumawala sa pagkakandado. Ang kapangyarihan niya ay sealing magic at mag unseal. Si Wind naman na kaniyang babaerong kaibigan ay may kapangyarihan na wind manipulation at ang kaniyang selosang kasintahan na si Physilla ay ubod ng lakas dahil sa enhancement magic. Silang dalawa ang natatanghal ng aerial ballet
"Ganito ba talaga ang mga magician?" Napatanong na lang ni Jun habang pinagmamasdan ang gulo. "Ehehehe hindi naman lahat" nahihiyang sagot ni Theona. "Mukhang ikaw lang ang matino sa inyo" sabi ni Heroco kay Theona. "Huh, hala hindi. Hindi naman masyado" nahihiya na kinikilig na paganda na reaksyon ni Theona. "Mukhang hindi ata" sabi na lang ni Heroco sa kaibigan. Napasang ayon din ito.
Pinagsasampal ni Ruth ang bawat isa para tumigil. "Bakit kasama ako?" Sagot ni Edgeon na di alam kung anong nangyayari. Ipinaliwanag ni Ruth na hindi oras ng paglalaro, gusto ng kanilang ringmaster na makita si Heroco pero bago yun ay kailangan nilang tulungan siya. Nang mahimasmasan na ang lahat, sinabi ni Ruth kay Edgeon. "Mukhang may sealing magic ang lugar na ito kaya hindi maalis ang mga malalaking batong ito. Kaya mo bang alisin ang sealing magic?" Tanong ni Ruth. "Huh?" Nagtatakang reaksyon nito. Sa inis ni Ruth ay hinampas hampas niya si Edgeon habang pinapaliwanag ang dapat niyang gawin.
Pagkatapos magulpi ni Edgeon ay kaniya nang naunawaan kung ano ang gagawin. Tumayo siya ng matuwid ang iniharap ang mga palad sa dako ng pinagguhuan. Nagkaroon ng malaking magic circle ang buong lugar ng pinagguhuan, "Unseal". Lumiwanag ang lugar at biglang naging butil ng alipato ang liwanag bago naglaho. Pagkatapos maalis ni Edgeon ang sealing magic ay gumamit ng enhancement magic si Physilla at binuhat ang malalaking bato matapos punailanglang ang maging circle sa kanya. Napanganga sila Heroco at Jun nang makita ang kalakasan ni Physilla. Isang magic circle naman ang lumitaw sa mga bisig ni Wind at umikot ang hangin na tila naging ipo ipo ang kaniyang mga kamay. Pagkatapos ay sinuntok nya ang mga malalaking bato upang madurog. Tumayo naman si Mikhain na walang pang ibaba kundi pulang panyo para tumulong. "Nandito na ang pinakamagaling.." ngunit bigla siyang sinapok ni Ruth. "Magbihis ka! Magbihis ka!". Samantala, si Uriah naman ay tila nawalan ng kaluluwa sa isang dako dahil naging madumi ang kaniyang damit. Si My naman ay sumali kay Ruth at nang mapansin ni Ruth na nakikisali siya ay sinama niya siya kay Mikhain na bugbugin.
Tumulong na lang sila Heroco sa pag iisang tabi ng mga maliliit na bato. Matapos maalis ang malalaking bato ay nakita nila na may lagusan pababa ang bulwagan. Kanilang pinasok ang madilim na lugar. Inilabas ni My ang kaniyang mahiwagang patpat at nagpalitaw ng mga bolang ilaw. Pagtungo ang ilang bolang ilaw sa di kalayuan at may mga matang nagliwanag. Agad silang nagtakbuhan palabas ngunit maliliksi ang mga ito. Nakalabas ang taga bantay at si Jun. Palabas na din sana si Heroco ngunit makakalabas ang isang halimaw sa kaniyang harapan na kasunod ni Jun. Agad na sinabi ni Edgeon, "seal!". Nagkaroon ng maging circle sa paahan ni Edgeon at nagkaroon ng pader na bato ang lagusan na kinabanggaan ng halimaw. Napaatras si Heroco, samantala ang grupo ng magician ay naghanda sa pakikipaglaban.
Gumamit ng enhancement magic si Physilla, Lumiwanag ang maging circle sa kanyang paahan at sinugod ang mga halimaw. Gayon din si Wind na may ipo ipo sa kaniyang mga bisig. Si Mikhain naman na naging centaur ay pinagsisipa ang mga halimaw habang sumisigaw ng "magaling ako!". Inihagis naman ni Theona ang pulang balahibo na nagtupok sa isang halimaw at dilaw na balahibo na kumuryente sa isa pang halimaw. Si Uriah naman na may bago nang suot ay nagpalabas ng mahiwagang kahon mula sa kaniyang mahiwagang sombrero. Kinukulong ng mga mahiwagang kahon ang mga halimaw at humugot si Uriah ng tabak mula sa mahiwagang sombrero. Itinusok nya sa mahiwagang kahon na may laman na halimaw pagkatapos ay bubukas ang kahon at huhuli muli ng iba pang halimaw. Si My naman ay nagpalitaw ng bolang apoy sa pamamagitan ng kaniyang mahiwagang patpat. Habang si Ruth ay pumupunta sa mga dakong walang halimaw. Tumakbo patungo doon si Heroco ngunit may halimaw pala siyang kasunod. Nang kakagatin na sana nito ay isang bolang kristal ang tumama sa mukha nito. Sinalubong pala siya ni Ruth. Dahil sa napalayo sila kay My ay medyo madilim ang paligid. Sinabi ni Ruth kay Heroco na sumipa sa kaniyang harap, sa bigla ay napasipa nga si Heroco at nasipa nga nya ang halimaw sa kaniyang harapan. "Tumalon ka at sumuntok pataas" sabi ni Ruth. Ginawa naman ni Heroco at tinamaan ang isa pang halimaw. "Sumipa ka sa kanan" ginawa muli ni Heroco at nasipa nya ang halimaw sa kanan. Sinunod nya ang bawat sabi ni Ruth. Suntok sa likod. Yuko. Sipa sa ibaba. Talon. Sipa sa kaliwa at kanan. Gulong sa harap at sipa sa likod. Alam ni Ruth ang mangyayari at kung ano ang dapat gawin ni Heroco.
Napabagsak nila ang mga halimaw ngunit lumapit ang pinakamalaking halimaw. Ang halimaw na ito ay nagkadikitdikit na mga halimaw. Nagpalit ng mahiwagang patpat si My at naging mahiwagang tungkod ito. Tumawag ng liwanag si My at ang buong paligid ay naging maliwanag na tila umaga. Nasilayan nila ang mukha ng mga halimaw. Ito pala ay mga nalulusaw na katawan ng mga natabunan na tao. Makikita ang mga mukha ng mga tao na sumanib sa malaking halimaw. Nakilala ni Heroco ang ilan sa mga mukha. Sa kasamaang palad, naroon din ang mukha ng kaniyang ama at ina. Nanggalaiti si Heroco sa nakita at agad sumugod. Sumigaw si Uriah, "Huwag kang hangal! Walang laban ang gaya mo sa halimaw na yan!". Nang mapansin ito ni Wind ay nagpakawala ng buhawi ang kaniyang kamao na tumilapon kay Heroco. "Seal!" sigaw ni Edgeon. Tumubo ang mga pader na bato at kinulong ang tumilapon na si Heroco.
Sinugod nila ang malaking halimaw. Ngunit walang bisa ang mga suntok ni Physilla maging ang buhawing suntok ni Wind. Ang pula at dilaw na balahibo ni Theona ay wala din bisa dahil pagkatusok nito sa katawan ng malaking halimaw ay humihiwalay ang natusok na laman. Hindi kaya ng mga mahiwagang kahon na ikulong ang malaking halimaw kahit magdugtong dugtong pa ang mga ito.
"Hindi gumagana ang anomang pisikal na atake sa kanya" sigaw ni Edgeon. "Kung ganun, susunugin ko sya sa apoy" sagot ni My. "Huwag My! Mahihirapan tayo na makahinga!" Sigaw ni Ruth. "Ang pinakamagaling na ang bahala" sabi ni Mikhain na naging sereno. nagbuga siya ng malakas na tubig ngunit wala rin itong epekto sa malaking halimaw. Hinampas naman sila ng malaking kamay ng halimaw. Agad naman silang nakaiwas. Pagkatapos ay bigla na lamang naputol ang kamay ng halimaw dahil sa malakas na hangin na lumabas mula sa kulungang bato. Nakawala si Heroco sa pagkakakulong. Ang malakas na hangin pala ay si Heroco. Naglaho ang hangin sa palibot ni Heroco at siya ay nahimatay. Agad naman kinuha sya ng nagdugtong dugtong na mahiwagang kahon. Dahil dito ay nagkaroon ng ideya sila na pagbahabahagiin ang malaking halimaw. Ang naputol na kamay na binubuo ng mga nagdikit dikit na mga halimaw ay paisa isang nagagapi ng buhawi ni Wind at ang mga humihiwalay na halimaw para dumikit muli sa malaking halimaw ang inuupakan ni Physilla. Si Mikhain na sereno naman ang pumuputol sa katawan ng malaking halimaw sa pamamagitan ng kaniyang water slice. Isa isa naman pinagsasaksak ni Uriah ang naputol na bahagi ng malaking halimaw.
Tatapakan sana sila ng malaking halimaw ngunit kinulong sila ni Edgeon ng pader na bato. Ngunit nagiba ito sa pagtapak ng malaking halimaw. Pagkabasag ng pader na bato ay nagsilutang ito at pinatama sa malaking halimaw. "Bida pa din ako dito!" Sigaw ni My na pinalilipad ang mga malalaking bato sa pamamagitan ng kaniyang mahiwagang patpat.
Umatake muli ang malaking halimaw. Inihagis ni Theona ang kanyang palawit na kalasag at ito ay lumaki na nagsalag sa hampas ng malaking halimaw. Agad naman hiniwa ni Uriah at Mikhain ang isa pa nitong kamay. Pagkabagsak nito sa lupa ay inatake ni Wind at Physilla ang mga nakasanib na halimaw dito.
"Atakihin ninyo ang mukha na nasa noo ng malaking halimaw. Siya ang pinaka utak nito" sabi ni Ruth. Agad na gumalaw si Uriah at tumalon kay Physilla. Sa pagtapak ni Uriah sa mga kamay ni Physilla ay buong lakas siya nitong itinapon pataas. Sa ibaba naman ay nagpakawala ng malakas na hangin si Wind sa papamagitan ng kaniyang kamao na tumulong kay Uriah na mapataas pa hanggang sa matapat sa noo ng halimaw. Dito ay sinaksak niya ang mukha ng nagkokontrol sa malaking halimaw. Nagiba ang pagkasanib ng mga halimaw.
"Madaya! Marunong din akong lumipad!" Reklamo ni Mikhain na bumalik sa pagiging tao. Agad naman tinamaan siya ng bolang kristal pagkabalik niya sa anyong tao. Nagtatalon naman sa tuwa si My dahil umuulan ng halimaw na tao. Nang malapit na sa kanila ang mga nagbabagsakan na halimaw ay isa isa nila itong pinatumba. Bolang apoy ni My. Malakas na suntok ni Physilla. Buhawing kamao ni Wind. Pulang balahibo na tumutupok. Malakas na sipa ni Mikhain na naging centaur naman ngayon. Namangha din si Edgeon sa nasaksihan na pakikipaglaban nila. Taas noo na nakangiti naman si Ruth sa kanila.
Nagapi nila ang malaking halimaw. Nilapitan ni Ruth ang pinaka utak ng halimaw. Sa noo ng taong iyon ay may pulang diamante ang kinuha ni Ruth. "Ito ang naging sanhi ng pagiging halimaw nito at lahat ng madikit sa kanya ay nasasanib sa kaniyang katawan." "Pero paanong ang mga nadaganan na tao ay naging halimaw din kung wala naman silang ganyan sa kanilang noo?" Tanong ni Edgeon. "Hmmm palagay ko, ibang spell ang ginamit sa kanila upang magwala sila ng ganyan at may iba pang spell para manatili silang nagwawala kahit patay na sila." Sagot ni My. "Mahirap ang sinapit ng mga taong ito" saad naman ni Physilla.
Gising na si Heroco ngunit hindi siya makawala sa mahiwagang kahon. Napapaluha siya sa sinapit ng kaniyang mga magulang. Maya maya ay naglitawan ang mga kaluluwa ng mga namatay na tao. "Maraming salamat. Makakawala na rin kami sa pagkakatali sa mundong ito" sabi ng mga ito. "Heroco, anak. Pag ingatan mo ang iyong sarili. Huwag mo na kaming alalahanin. Nasa mabuting dako na kami" sabi ng kaniyang ina. "Heroco, lumaki ka nang malakas. Kaya mo na mabuhay mag isa. Huwag mong itali ang sarili mo sa amin. Magkaroon ka ng sarili mong buhay. Kung maaari, hanapin mo ang iyong totoong magulang. Sa gayon ay maging buo ka." Bilin ng kaniyang ama. "Hindi ko na kailangan hanapin pa, dahil kayo ang mga magulang ko. Salamat sa pagmamahal ninyo sa akin. Pangako hindi masasayang ang mga paghihirap nyo sa akin." Sagot ni Heroco. "Magpakabait kang bata" sagot ng kaniyang ina.
Tuluyan ngang nawala ang kaluluwa ng mga yumao. Pinakawalan din ni Uriah si Heroco na napaluhod sa lupa dahil sa lungkot. Nakapasok na din si Jun at iba pang tao na natipon sa labas. Nagulat sila sa mga nakita nilang patay. Lumapit agad si Jun kay Heroco. "Heroco... " Nakita niya ang mga halimaw na may mukha ng ina at ama ni Heroco. Inakbayan na lamang niya si Heroco.
Hindi makapaniwala ang taong bayan na naging mga halimaw ang mga nabagsakan ng bato. Paglabas nila dito ay sinalubong sila ni Miladi na nagtataka sa mga binubuhat na halimaw ng mga tao kasama si Aa na tahimik lang. Tiningnan nila sila ngunit walang imik si Aa at parang walang alam sa nangyayari si Miladi. Nawalan ng pag asa na may sasabihin ang dalawa sa kanila. Sinabi ni Ruth na may hawak na bolang kristal sa tagapagbantay ng gumuhong bulwagan na pinagtibay nila ang anti magic spell sa sentro ng bayan. Hindi na muli gagana ang anomang mahika sa loob ng bayan. Nagpasalamat naman ang buong bayan sa kanila.
Kinausap naman ni Heroco si Jun. Balak daw makipagkita sa kanya ang ringmaster nila Ruth. Binilin ni Heroco ang bahay nila kay Jun sapagkat iniisip niyang sumama sa kanila. Naalala niya kung paano niya binutas ang kulungang bato at hinawa ang kamay ng malaking halimaw. Sa isip niya ay matutulungan siya ng grupo ng mga magician sa kaniyang taglay na kapangyarihan. Naunawaan naman ng kaniyang kaibigan si Heroco. Niyakap niya at sinabi, "mag iingat ka at huwag mo kaming kalilimutan." Sumama si Heroco sa kanila.
Pagpasok nila sa tolda ay nakipagkita nga sila sa ringmaster. "Totoo ngang kakaiba ka" sabi nito mula sa loob ng kaniyang silid. Paglabas ng ringmaster ay laking gulat ni Heroco sa kaniyang nakita. Isang bughaw na pusa na nagsasalita. "Ang ringmaster nyo ay isang pusa?!" Napansin pa niya ang makapal na bigote nito. "At ang panget ng pusa" komento nito. "Makinig ka sa sinasabi ko!" Sigaw ng ringmaster. "Huh?! Nagagalit ang pusa?" Namamanghang sabi ni Heroco na agad pinaamo ang pusa sa paghimas ng baba nito. Nagustuhan nga ng pusa at naging malambing ito. Nang mahimasmasan ang pusa ay muling nagalit at pinagkakarmot si Heroco. "Sorry na" sabi ni Heroco. "Tumayo ka ng maayos" bilin ng ringmaster. Tumayo si Heroco na may pagtataka. Tiningnan siya ng pusa at biglang nagbago ang mata nito. "Kakaiba ka. Hindi taga dito" sabi ng ringmaster. "Anong ibig mong sabihin? At ano ba ang ginawa mo at bakit nag iba ang mata mo?" Nagtatakang tanong ni Heroco. "Ang ringmaster ay may kakaibang mata. Kahit hindi siya gumamit ng mahika ay maaari siyang makapag appraise. Sa pamamagitan nun ay makikilatis niya ang taong tinitingnan niya" paliwanag ni Theona. ""Malaking tulong ang impormasyon na nakikita nya dahil dito nalalaman niya ang kahinaan at kalakasan ng isang tao. Kung gaano kalalim ang makikita nya ang hindi ko alam" dugtong pa ni Theona.
Nagtaka ang ringmaster, "hindi ko akalain na nagkaanak sila. Malaking gulo ito pag may nakaalam nito. "Simula ngayon ay kailangan mo nang sumama sa amin" bilin ng ringmaster. "Talaga po!" Masayang sagot ni Heroco. Ngunit nagulat at hindi sumang ayon ang iba. "Bakit natin siya isasama?!" Angal ni Uriah. "Gaya mo Uriah ay maaaring malagay sa panganib ang buhay niya at ang mga nasa paligid niya." Paliwanag ng ringmaster. Naunawaan naman ni Uriah, "basta huwag ka lalapit sa akin o sa anoman sa mga gamit ko". "Wow! May bago uli tayong miyembro" masayang sabi ni My. "Masasaksihan mo na kung gaano ako kagaling" sabi ni Mikhain. "Sakto, kailangan natin ng dagdag na tao simula na nagsialisan ang iba" dugtong naman ni Theona.
E2 Theona - Library
E3 Uriah - Performer
E4 Espella - Spellcasting
E5 Mikhain - Out of this world
E6 Ruth - Precognition
E7 Physilla - Training
E8 Miladi - Enchanted Items
E9 Alvin - Celestial Detection
E10 Aa - Silent Shield
E11 Edgeon -
E12 Wind -
E13 Tommy
E14 Blossom
E15 Harley
E16 Mr. Cock
E17 Jinn
No comments:
Post a Comment