Once upon a time, there was a tree that grew far away from the others. It grew tall, strong and fruitful but alone.
One day, a man is walking by while looking for food.
"Hi there friend! I'm glad to see you! Come over here, I want to hear your story". The tree invited the man to have a little conversation.
The man answered, "Pardon me, but I don't have time to waste. I'm hungry and I'm looking for food to eat."
The tree suggested, "Then you can eat my fruits while talking to me".
"Therefore, let me have it all so I can share some of it to my friends". Then the man pick all of the fruits of the tree.
"Now you have fruits to eat, tell me something about where you came from"
"Let me bring this food first to my friend then I will tell you". Then the man left to bring the fruits to his friends.
After some days the man went back.
The tree immediately greet the man, "How are you young man! I'm so excited to talk to you".
The man said, "Pardon me but I still don't have time because I am courting my loveone and looking for something to give."
"Then you can take my flowers, their fragrance is enough to make her fall in love."
The man took all the flowers and immediately run to his loveone.
After some time the man returned.
The tree greeted him, "Hi my friend! I'm glad you came back to talk to me".
But the man told the tree, "as much as I want to talk to you but I am too worried because my baby is sick".
The tree offered help again, "then you take my leaf, it is effective medicine to those who are ill".
Then the man took all leaves and left the bald tree.
The man returned in winter and approached the tree, "I was going to tell you a story but this coldness made it difficult for me to do it. Can you lend me your branches so I can make fire from it?"
The tree is happy to help the man so he can return in spring healthy and happy to tell his journey.
The man really came back in spring but to ask help from the tree, "my house was destroyed due to bad weather, I'm here because I know you can help."
The tree answered full of mercy, "take what you need from me to fix your house, and I, your friend will wait for you to listen to those stories you have promised to tell."
The man took everything he needs to repair his house.
Finally, everything is good and the man came back to tell his friend how he manage to overcome those obstacles but the tree is not there anymore. The man felt tired after trying to look for the tree and start searching for a place to sit. So when he found something to sit, he immediately rest on it and uttered. "I want to tell you so many things but you are not here, so I will just sit here to relax."
..............................................................................................
Noong unang panahon, may isang puno ang tumubo malayo sa iba pang puno. Lumago siyang matibay, mataas at mabunga ngunit nag iisa.
Isang araw, isang lalaki ang nagawi sa dako ng puno habang naghahanap ng pagkain.
"Kumusta kaibigan! Masaya akong makita ka! " pagbati ng puno. "Halika, nais kong marinig ang iyong kasaysayan" paanyaya ng puno.
"Paumanhin ngunit wala akong oras para makipagkwentuhan. Ako ay gutom at naghahanap ng pagkain" sagot sa kaniya ng lalaki.
"Kung gayon, pumitas ka ng aking bunga at iyong kanin habang tayo ay nag-uusap", mungkahi ng puno.
"Kung gayon, pipitas ako ng madami sa gayon mabigyan ko ang aking mga kasama" sabi ng lalaki.
"Ngayon may pagkain ka na, sabihin mo sa akin kung anong mayroon sa dakong paroon"
"Hayaan mo muna akong dalhin ang mga ito sa mga kasama ko" sabi ng lalaki sa puno. Umalis nga ang lalaki dala ang mga bunga ng puno.
Matapos ng ilang araw ay muling bumalik ang lalaki.
"Kamusta kaibigan! Sabik na akong makausap ka" pagbati ng puno sa kaniya.
"Paumanhin ngunit wala pa akong oras sapagkat naghahanap ako ng ipangsusuyo sa aking kasintahan." Wika ng lalaki.
"Kung gayon, kunin mo ang mga bulaklak ko. Sapat ang halimuyak nito para mapaibig siya sa iyo."
Kinuha nga ng lalaki ang lahat ng bulaklak at dalidali umalis para suyuin ang kaniyang kasintahan.
Matapos ang ilang panahon ay bumalik ang lalaki. Nasasabik na bumati ang puno, "kamusta kaibigan, masaya ako na nagbalik ka para makipagtalastasan sa akin"
Subalit nagdahilan muli ang lalaki, "gustuhin ko man makipag-usap sa iyo ngunit ako ay puspos ng bagabag dahil ang aking sanggol ay may sakit".
Muling umalok ng tulong ang puno, "kung gayon, kunin mo ang aking dahon, mabisang gamot ito sa may sakit".
Kumuha nga ang lalaki ng mga dahon at iniwan ang puno na lagas na.
Bumalik ang lalaki sa panahon ng taglamig at lumapit sa puno. "Magsasaysay sana ako sa iyo ngunit ang lamig ng panahon ay nagpapahirap sa akin. Maaari mo bang ibigay ang iyong mga sanga para magamit kong paningas ng apoy" sabi ng lalaki.
Masayang sumang-ayon ang puno para tumulong sa lalaki sa gayon makabalik ito sa tagsibol na masigla at masaya na makipag-usap.
Sa pagsapit ng tagsibol ay bumalik ang lalaki para humingi muli ng tulong. "Ang aking tahanan ay nagiba dahil sa dumaang masamang panahon. Ikaw lang ang alam kong makatutulong sa akin."
"Kunin mo ang sa tingin mong makatutulong sa iyo para maayos ang iyong tirahan at akong iyong kaibigan ay maghihintay sa iyong pagbabalik para makinig sa mga dapat mo sanang sinaysay sa akin noon" sabi ng puno na puno ng awa.
Kinuha nga ng lalaki ang lahat ng kaniyang kailangan para maiayos ang nasira niyang bahay.
Sa wakas natapos ang mga suliranin at nakabalik ang lalaki para saysayin ang kaniyang buhay sa kaibigan. Ngunit hindi na niya natagpuan ang puno sa dako nito. Napagod ang lalaki sa kakahanap sa puno at naghanap na lamang ng mauupuan. Kaya nang may matagpuan siya na mapagpapahingahan ay agad siyang naupo. "Marami sana akong nais sabihin ngunit bigla ka naman naglaho, kaya't uupo na lamang ako dito para magpahinga" wika ng lalaki na nanghihinayang sa pagkalaho ng kaibigan.